Dumalo si Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr., kasama ang iba pang mga kinatawan ng 19th Congress, sa budget hearing para sa Office of the President ngayong araw.
Nagpapasalamat si Cong. Bong Teves Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang patuloy na pagsusumikap na maghatid ng mga makabuluhang programa at serbisyo para sa ikauunlad ng ating bayan.
Kasama po ng ating Pangulong Marcos, Jr. ang TGP Party-List sa kanyang adhikain na sa Bagong Pilipinas, Sama-sama Tayong Babangon Muli.