
Ngayong Araw ng Bandila, ginugunita natin ang unang pagwagayway ng ating watawat sa Alapan, Imus, Cavite noong Mayo 28, 1898—isang makasaysayang tagpo na naging hudyat ng pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12.
Nagpupugay ang TGP sa mga bayani ng ating kasaysayan. Sila ang nagbuwis ng buhay at nagbigay daan upang ating tamasahin ang kalayaang iwagayway ang bandila nang may dangal at pagmamalaki. Kalayaang magkaisa. Kalayaang ipagdiwang ang ating pagkakakilanlan bilang isang matapang at marangal na sambayanang Pilipino.
