Dinaluhan ni Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. ang “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (23rd BPSF)” sa Davao City kasama ang higit 200 na kapwa kongresista. Pinangunahan ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Sen. Bong Revilla, katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Nagbigay ng suporta si Cong. Bong Teves Jr. sa nasabing aktibidad para sa mga mamamayan ng Davao, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, at estudyante, sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t-ibang uri ng tulong. Ang pagtitipon ay nagpakita ng pagtutulungan ng mga lider ng bansa para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.