Balik Kongreso na po Tayo!

Balik Kongreso na po tayo! Ang TGP Party-List, sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., ay buong sipag na tumutok sa ating mga lehislatibong tungkulin bilang kinatawan ninyo sa House of Representatives of the Philippines.

Ngayong araw nakilahok tayo sa public hearing ng Committee on Public Order and Safety kung saan tinalakay ang mga panukalang batas na ito:

📌 HB 893 – An Act Amending RA 10591, the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, to promote a higher standard of protection, increasing its penalties and sanctions.

📌 HB 9718 – An Act Amending Section 9, Paragraph 5 of RA 10592, limiting the number of registered firearms and ammunition, and providing penalties for violations thereof.

📌 HB 11141 – An Act Amending Certain Sections of RA 10591 by rationalizing certain provisions of the law so that law-abiding individuals may not be duly deprived of the right to legally own firearms.

Ang mga panukalang ito ay naglalayong balansehin ang karapatan ng mamamayan na magmay-ari ng baril habang pinapalakas ang mga regulasyon upang matiyak na ang paggamit nito ay ligtas, responsable, at hindi nagdudulot ng panganib sa ating mga komunidad.

Sa TGP Party-List, lagi kaming naroon at nakatutok sa bawat sesyon at pagpupulong sa mga kumiteng kinabibilangan natin. Para sa amin, ang bawat araw ng serbisyo ay mahalaga upang maisulong ang kapakanan at kaligtasan ng bawat Pilipino.

#TGP23#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *