Paete sa Laguna ang pinuntahan ng TGP Partylist upang mamahagi ng gardening tools at vegetable seeds

Ang bayan naman ng Paete sa Laguna ang pinuntahan ng TGP Partylist upang mamahagi ng gardening tools at vegetable seeds. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. sa Department of Agriculture (DA 4A) at sa National Movement of Young Legislators (NMYL – Laguna Chapter). Ang mga kagamitan ay tinanggap ng mga representatives mula sa mga napiling samahan ng magsasaka. Ang pamamahagi ay pinangunahan ng project proponent na si Paete Councilor Anna Patricia Adao kasama ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at dinaluhan din ni Paete Mayor Ronald Cosico na nagpahatid ng pasasalamat sa TGP Partylist.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderCongressmanBongTevesJr#CongBongTevesJr

“Gulayang Pambarangay” at “Gulayang Pampaaralan”

Muling ipinagpatuloy ng TGP Partylist ang pamamahagi ng gardening tools at vegetable seeds kaugnay ng mga proyekto nitong “Gulayang Pambarangay” at “Gulayang Pampaaralan”. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. sa Department of Agriculture (DA 4A) at sa National Movement of Young Legislators (NMYL – Laguna Chapter). Unang pinuntahan ang bayan ng Santa Maria, Laguna kung saan ay pawang mga paaralan ang naging recipients. Ang pamamahagi ay sinaksihan ng project proponent na si Santa Maria Councilor Wennie Jude Niipay, kasama sina Santa Maria Mayor Cindy Carolino at Municipal Agriculture Officer Carlo Sumaria.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

700K na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi na pinangasiwaan ng DSWD 4A

Sa patuloy na paghahatid ng tulong ay ang bayan naman ng Luisiana sa Laguna ang pinuntahan ng TGP Partylist kung saan ay nasa 700K na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi na pinangasiwaan ng DSWD 4A. Ito ay inisyatibo nina Vice-Mayor Luibic Jacob at Councilor Hans Christian Rondilla. Ang aktibidad ay dinaluhan ni Luisiana Mayor Jomapher Alvarez na labis ang naging pasasalamat higit kay TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr.

Kasama sa mga naging beneficiaries ay mga Brod at Sis mula sa Luisiana Triskelion Municipal Council,, sa ilalim ng liderato ni Chairman Justin Burgos at Laguna Gov.Gen. Ruslan Fonacier.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr

#CongBongTevesJr

TGP Partylist Crisis Assistance Program

Sa Quiapo, Manila naman ang naging venue ngayong araw (April 24, 2023) ng TGP Partylist Crisis Assistance Program sa pakikipag-ugnayan ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. sa DSWD-NCR. Nasa 800K na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi sa may 400 na beneficiaries, kabilang dito ay mga Brod at Sis. Ang inisyatibo ay hiniling ni TGP PL Sports Consultant Bong Alvarez kasama si Brgy. 393 Chairman Frederick Go.

Kasama sa mga nahatiran ng tulong ay ang mga naging biktima ng sunog sa Quiapo nung nakaraang Enero.

#TGPpartylist

Back-to-back implementation ng TUPAD Program

Sa isang araw na aktibidad nitong nkaraang linggo ay isinagawa ang back-to-back implementation ng TUPAD Program sa bayan ng Lumban, Laguna na hatid ng TGP Partylist sa pakikipag-ugnayan sa DOLE 4A. Ang mga beneficiaries sa inisyatibo ni Lumban Councilor Jeromme Lacbay ay sumailalim sa TUPAD Orientation, samantalang ginawa naman ang TUPAD Pay-Out para sa mga beneficiaries na inisyatibo ni Lumban Councilor Saan Añonuevo De Mesa. Pinaunlakan tayo ni St. Cruz Vice-Mayor Laarni Malibiran, isa sa masugid nating tagapagtaguyod sa lalawigan ng Laguna, upang katawanin ang TGP Partylist sa aktibidad.

Sa kanyang ipinahatid na mensahe ay binigyang diin ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. ang patuloy nyang pangangalap ng mga karagdagang pondo upang mas marami pa ang mahatiran ng tulong pangkabuhayan.

#TGPpartylist

Aktibong isinusulong ng TGP Partylist ang mga programang “Gulayang Pambarangay” at “Gulayang Pampaaralan”

Habang nasa Camarines Sur si Deputy Majoriity Leader Cong. Jose “Bong” Teves Jr nitong mga nkaraang araw para sa isang Triskelion Activity ay sinamantala na niya ang pagkakataon upang mapuntahan ang dalawang (2) bayan sa lalawigan – Milaor at Camaligan – upang saksihan ang distribution ng gardening tools at vegetable seeds sa mga napiling recipients. Ito ay inisyatibo ng TGP Partylist sa pakikipag-ugnayan sa Dep’t of Agriculture R5.

Aktibong isinusulong ng TGP Partylist ang mga programang “Gulayang Pambarangay” at “Gulayang Pampaaralan” sa maraming lugar sa bansa.

Induction Ceremony & Assembly ng Camarines Triskelion Provincial Council

Sa naganap na Induction Ceremony & Assembly ng Camarines Triskelion Provincial Council kung saan ay naging Guest Speaker at Inducting Officer si TGP Partylist Cong. Jose “Bong” Teves Jr. ay kanyang binati at pinasalamatan ang buong konseho sa pagpapalakas ng kapatiran sa lalawigan, at sa palagiang suporta na kanilang ipinapakita sa TGP Partylist. Sa programa ay inilahad din ang mga programa at asistensya na mayroon ang TGP PL.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderCongressmanBongTevesJr

Nagmistulang pagtitipon ng mga TGP Partylist LGU-partners ang ginanap na pay-out sa Sta. Cruz, Laguna

Nagmistulang pagtitipon ng mga TGP Partylist LGU-partners ang ginanap na pay-out sa Sta. Cruz, Laguna nitong nakaraang araw. Dito ay ginabayan nila ang mga clients mula sa kani-kanilang bayan sa Laguna na dumulog sa TGP PL Satellite Office sa Sta. Cruz para sa medical, burial at cash assistance. Nasa 1.2 million na halaga ang naipamahagi na pinangasiwaan ng DSWD 4A-Laguna. Pasasalamat ang ipinaabot ni TGP PL Representative Deputy Majority Leader Jose “Bong” Teves sa ating mga katuwang na LGU Officials higit kay Sta. Cruz Vice-Mayor Laarni Malibiran na nangangasiwa sa ating satellite office. Kasama sa mga dumalo sina Cavinti Mayor Arantlee Arroyo, Luisiana Vice Mayor Luibic Jacob, Pangil Vice Mayor Divine Astoveza, Representative of Magdalena Mayor Peter Bucal, Magdalena Vice Mayor Maximo Sotomayor, Siniloan Mayor Patrick Go kasama ang representative ni Vice Mayor Carla Valderrama, Pagsanjan Councilor Rachelle Abella, Cavinti Councilor Princess De Guzman, Pila Councilors Jepo De Castro at Bobok Herradura, Sta. Cruz Councilor Ritz Kalaw, Niño Delas Armas at Macmac Joven.

Patuloy po na maglilingkod ang TGP Partylist para sa inyo !!!

Paghahatid ng tulong ay ang Barangay Escopa 1 sa Quezon City

Sa nakaraang pag-iikot at paghahatid ng tulong ay ang Barangay Escopa 1 sa Quezon City naman ang pinuntahan ng TGP Partylist kung saan ay may 250 residente ang nakatanggap ng financial assistance. Ang pamamahagi ay hiniling ng kasama natin sa TGP PL na si Kgwd. Brod Dong Macabata, sa ilalim ng pangangasiwa ng DSWD-NCR. Naging mas makabuluhan din ang aktibidad sa pagdalo ni FF Roy Ordinario.

Hangad ng ating TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. na mas marami pang lugar ang mahatiran ng tulong sa mga susunod na panahon.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr#CongBongTevesJr

TUPAD Program

Bumabangon pa lamang sa naging epekto ng pandemya at kalamidad ang bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro ay panibagong pagsubok na naman ang kinakaharap nito ngayon dahil sa oil spill. Kung kaya’t ito ay pinuntahan ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Jose “Bong” Teves Jr. sa implementasyon ng 1.5 milyong halaga ng TUPAD Program na hiniling ng representante sa DOLE R4B. May 369 na residente ang beneficiaries, kasama dito ang ang mga kapwa Triskelion. Lubos ang pasasalamat ng mga lokal na opisyal sa pamumuno ni Naujan Municipal Mayor Henry Joel Teves. Sa kanyang pagbisita ay nagdala din si Cong. Bong Teves Jr. ng 100 sacks of rice bilang karagdagang tulong sa munisipalidad.