Namahagi ng mga gardening tools sa iba’t-ibang barangay at paaralan sa probinsya ng Catanduanes.

Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. namahagi ng mga gardening tools sa iba’t-ibang barangay at paaralan sa probinsya ng Catanduanes.

Personal na tinungo at ibinigay ni TGP Partylist Representative Bong Joson Teves Jr. ang mga gardening tools sa mga guro mula sa iba’t-ibang paaralan at sa mga barangay officials mula sa liblib na mga barangay sa probinsya ng Catanduanes.

Ang mga kagamitan na ito ay tulong alinsunod sa programang “Gulayan sa Paaralan at Barangay” na isinusulong ngayon ng kongresista sa buong Pilipinas.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

Nagpaabot ng tulong sa mga naging biktima ng dalawang magkahiwalay na sunog sa Brgy. Merville at Brgy. Moonwalk, Parañaqu

March 25, 2023

Magkatuwang na nagpaabot ng tulong sina Konsehal Raffy “Apiong” Dela Pena at TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa mga naging biktima ng dalawang magkahiwalay na sunog sa Brgy. Merville at Brgy. Moonwalk, Parañaque.

Katuwang ang ating mga kapatid na Triskelion sa San Agustin Chapter na syang nagassist sa mga gawain.

#TGPpartylist

#RaffyApiongDelaPena

#TauGammaPhi#TauGammaSigma

TGP Partylist TUPAD Program sa pakikipag-ugnayan nito sa Department of Labor & Employment (DOLE)

Marami na ang natulungan at marami pang matutulungan ng TGP Partylist TUPAD Program sa pakikipag-ugnayan nito sa Department of Labor & Employment (DOLE). Nitong nakaraan ay 1 million na halaga ng TUPAD ang dinala sa bayan ng Alaminos, Laguna na naisakatuparan sa kahilingan ni Alaminos Mayor Brod Glenn Flores kay TGP Partylist Cong. Deputy Majority Leader Jose “Bong” Teves Jr.

#TGPpartylist

#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr

#CongBongTevesJr

Financial assistance katuwang ang National Movement of Young Legislators Laguna Chapter

Ang bayan naman ng Nagcarlan sa lalawigan ng Laguna ang personal na pinuntahan ni Deputy Majority Leader Cong. Jose “Bong” Teves ng TGP Partylist upang pangunahan ang distribution ng financial assistance katuwang ang National Movement of Young Legislators (NMYL) Laguna Chapter, gayundin ang Laguna Triskelion Provincial Council at Nagcarlan Triskelion Municipal Council. Ang programa ay dinaluhan nina Nagcarlan Vice-Mayor Rexon Arevalo na kumatawan din kay Nagcarlan Mayor Elmor Vita, Matthew Taningco na kumatawan kay Laguna Dist. 3 Cong. Amben Amante, Laguna Provincial Council Govgen Ruslan Fonacier, at Nagcarlan Municipal Council Chairman Jonathan Formelosa.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeadeeBongTevesJr

#CongBongTevesJr

Tumanggap pa rin ng bisita si TGP Partylist Cong. Bong Teves Jr.

March 10, 2023 — Kahit Friday at walang pasok sa House of Representatives ay tumanggap pa rin ng bisita si TGP Partylist Cong. Bong Teves Jr. at ngayon naman ay mga Councilors from Camarines Norte na pinangungunahan ni CamNorte PCL President. Councilor Rey Kenneth Oning (Labo),

Councilor Ma. Eliza Llovit (Daet),

Councilor Gilbert Adorino (Vinzons),

Councilor Karlo George Palmero (Mercedes),

Councilor Maria Velia Flor Ibasco (Mercedes),

Councilor Orlando Layug (Mercedes) at

Councilor Ronel Laguador (Labo).