Crisis Assistance Program sa DSWD 9 – Basilan Office

Tunay na malayo na ang ating narating ng puntahan ng TGP Partylist kasama si FF Talek Pablo ang mga brod at sis natin sa lalawigan ng Basilan sa Mindanao upang hatiran ng tulong sa ilalim ng ating Crisis Assistance Program. Ang pay-out na pinangasiwaan ng DSWD 9 – Basilan Office ay naging venue na din ng katuwaan at kapanabikan ng mga brod at sis na makadaupang palad ang ating Founding Father Talek Pablo. Sa ipinahatid na mensahe ni TGP PL Rep. Jose “Bong” Teves Jr. ay kanyang pinaabot ang pasasalamat sa suportang ibinibigay ng mga taga-Basilan sa TGP Partylist. Ang pag-organisa sa aktibidad ay. pinangunahan nina Gov.Gen. Alex Infante at Brod Blue Infante.

Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap!

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Lalong lumalawak ang ating nararating sa paghahatid ng asistensya

Lalong lumalawak ang ating nararating sa paghahatid ng asistensya sa ating mga kapatid, nitong nakaraan ay pinuntahan ng TGP Partylist ang Bais City sa lalawigan ng Negros Oriental. Makikita ang kasiyahan at pasasalamat lalo na ng higit sa 200 na mga miyembro ng ating kapatiran na nakatanggap ng financial assistance, na naging mas makahulugan sa pagdalo ng ating Founding Father Talek Pablo. Ipinahatid din nya ang pagbati at mensahe ng ating TGP PL Rep. Jose “Bong” Teves Jr.

Pinangunahan nina Bais City Mayor Brod Luigi Marcel Goñi at Councilor Anton De Guia ang aktibidad na inisyatibo ni Brod Bonjon Palomares.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Clearing the name of TGP Party-List and Deputy Majority Leader Jose “Bong” J. Teves, Jr. from the Teves Terrorist Group

📸Ct NewsCenter Pilipinas

The Anti-Terrorism Council headed by Executive Secretary Lucas Bersamin issued a press briefer clearing the name of TGP Party-List and Deputy Majority Leader Jose “Bong” J. Teves, Jr. from the Teves Terrorist Group of former Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.

The briefer stated that there is no connection between DML Bong Teves and former Representative Arnie Teves and that the former is not a member nor affiliated with the Teves Terrorist Group of the latter.

Since the onset of the issue regarding the assassination of the late Negros Oriental Governor Roel De Gamo where former Representative Arnie Teves is the alleged mastermind, the name of DML Bong Teves’ has been dragged into the issue due to confusion.

Last March 2023, DML Bong Teves even made a privilege speech in session to clear his name and end the confusion between the two Teves.

Orientation ng mga beneficiaries sa ilalim ng TUPAD Program

Dalawang araw na umikot ang TGP Partylist sa anim (6) na munisipalidad sa Mindoro Occidental — Sablayan, Mamburao, Abra De Ilog, Magsaysay, San Jose at Rizal, upang saksihan ang Orientation ng mga beneficiaries sa ilalim ng TUPAD Program na pinangasiwaan ng DOLE 4B. Nagsilbi na din itong kumustahan kung saan ay ipinahatid ni TGP PL Rep. DML Jose “Bong” Teves ang kanyang pagbati at pangako ng tuloy-tuloy na serbisyo ng TGP Partylist sa mga nangangailangan nating kababayan sa nasabing lalawigan. Espesyal pong pasasalamat kay Provincial Administrator Brod June Lee na siyang nakipag-ugnayan para sa mga aktibidad sa bawat bayan. Kasama sa mga beneficiaries ay ang mga brod at sis ng kapatirang TGP/TGS.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Ating inapela kay DTI Secretary Alfredo Pascual ang mga hinaing ng ating local paper manufacturing industry.

Ating inapela kay DTI Secretary Alfredo Pascual ang mga hinaing ng ating local paper manufacturing industry.

Lubhang naapektuhan ang industriyang ito ng pagtaas ng imported under valued paper.

Nangako sa atin ang DTI na sila ay agad makikipag-ugnayan sa paper manufacturing association upang maresolba ang issue na ito.

Ang industriyang ito ang syang dahilan kung bakit mayroon tayong mga papel na ginagamit sa mga paaralan at opisina, mga karton para sa ating packaging, tissue papers at iba pang paper products.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Educational Assistance Program sa Labo, Camarines Norte

Ang bayan ng Labo, Camarines Norte naman ang pinuntahan ng TGP Partylist para sa implementasyon ng Educational Assistance Program nito na hiniling ng LGU sa pamamagitan ni Labo Councilor Brod Rey Kenneth Oning. Sa pangunguna ni Cong. Jose “Bong” Teves Jr. ay pinalalakas ng TGP Partylist ang mga programa nitong may kinalaman sa mga kabataan.#CongBongTevesJr

TUPAD Program partnership ng TGP Partylist at Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna

Sa gitna ng katuwaan at excitement ay ginanap ang pay-out in cash ng may 243 beneficiaries sa ilalim ng TUPAD Program na naisakatuparan sa partnership ng TGP Partylist at Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna kasama ang National Movement of Young Legislators-Laguna Chapter at ang Vice-Mayors League of the Philippines – CALABARZON. Ito ay bahagi ng matiim na hangarin ni TGP PL Representative DML Jose “Bong” Teves Jr. na mapuntahan ang mga nangangailangan at mabigyan ng tulong.Inorganisa ang aktibidad sa pangunguna ni Paete Councilor Anna Patricia Adao kasama ang iba pang mga miyembro ng Sangguniang Bayan gayundin si Vice Mayor Virgilio Madridejo. #TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Department of Tourism at FY 2024 Budget Briefing.

Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. interpellation to Department of Tourism at FY 2024 Budget Briefing. “Ipinakiusap ni Cong. Bong Teves kay D.O.T. Sec. Frasco na pagtuunan din ng pansin ang turismo sa Lalawigan ng Catanduanes lalo’t ngayong pinalalakas ang Surfing Activities kung saan nakilala ang Puraran Beach sa Bayan ng Baras. #TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Hiniling ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr.hiniling ni TGP Partylist

Bilang kaagapay ng National and Local Government, hiniling ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa PAGCOR na tulungan ang Abaca Farmers sa lalawigan ng Catanduanes at sa iba pang probinsya na ang pangunahing kabuhayan ang pag-aabaca. Bukod dito ay ipinakiusap din nya na pag-aralan ang pagbibigay ng maayos na evacuation centers sa mga lugar na laging binabagyo. #TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

TUPAD Program na inisyatibo ng TGP Partylist

Pagkagaling ng ating TGP PL Representative Jose “Bong” Teves Jr. mula sa isang opisyal na pagbisita sa Catanduanes, pagbaba sa airport ay kaagad naman siyang dumiretso sa Bayan ng Sariaya, Quezon upang saksihan ang orientation ng mga beneficiaries sa ilalim ng TUPAD Program na inisyatibo ng TGP Partylist. Pasasalamat at kasiyahan ang sumalubong sa kanya sa pangunguna ng mga LGU officials, gayundin ng kanyang mga brod at sis sa munisipalidad. Naisakatuparan ang programa sa pakikipag-ugnayan ni Quezon Vice-Governor Third Alcala, gayundin ng Vice-Mayors League of the Philippines-CALABARZON sa opisina ng TGP Partylist. #TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr