
Labis ang pasasalamat ng mga residente ng Quiapo, Manila na nakatanggap ng financial assistance sa pamamagitan ng TGP Partylist Crisis Assistance Program. Ang aktibidad ay inorganisa ng Brgy. 188 local officials, sa pangangasiwa ng DSWD-NCR.
Labis ang pasasalamat ng mga residente ng Quiapo, Manila na nakatanggap ng financial assistance sa pamamagitan ng TGP Partylist Crisis Assistance Program. Ang aktibidad ay inorganisa ng Brgy. 188 local officials, sa pangangasiwa ng DSWD-NCR.
BABALA!
Umabot sa aming tanggapan ang impormasyon na isang “RUDY CLORES” ay nagpapanggap na miyembro ng Board of Directors ng TGP Party-List at nanghihingi ng halagang Php 250 kapalit ng ID, membership, at tulong katulad ng bigas mula sa TGP Party-List. Ito po ay walang katotohanan at kailanman ay hindi konektado sa TGP Party-List ang isang “RUDY CLORES”.
Para sa kaalaman ng lahat, ang TGP Party-List ay hindi naniningil o nanghihingi ng anumang uri ng bayad para sa membership o ID ng party-list. Kami sa TGP Party-List at partner government agencies tulad ng DOH at DSWD ay walang hihihinging anumang kapalit sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan maliban na lamang sa mga documentary requirements na itinakda ng mga nasabing ahensya tulad ng Certificate of Indigency at iba pa.
Mariin naming kinokondena ang mga tao o organisasyon na gumagamit ng pangalan ng TGP Party-List para makakuha ng pera o makapanloko ng ibang tao.
Mangyari lamang na ipagbigay alam agad sa aming tanggapan ang mga ganitong uri ng pangyayari para maireport agad ito sa mga awtoridad.
WAG PO TAYONG MAGPALOKO!
Binisita ng Philippines’ Youngest World Youth Jiu-Jitsu Champion in the 2022 Abu Dhabi World Youth Jiu-Jitsu Championship na si Aleia Aielle Aguilar ang Kongreso sa pamamagitan ni Deuty Majority Leader Bong Teves noong ika-16 ng Nobyembre. Si Aielle ay limang taong gulang pa lamang. Siya rin ay anak ng isa sa Philippines’ mixed martial arts pillars at founder ng URCC na si Alvin Aguilar at ng former jiu-jitsu world champion na si Maybelline Masuda.
Nag-file din si Deputy Majority Leader Teves ng House Resolution 546 na nagbibigay pagkilala sa karangalang ibinigay ni Aielle sa ating bansa bilang gold medalist.
Natutuwa ang TGP Partylist na mabigyan ng pagkakataon na kilalanin sa plenaryo si Aielle sapagkat bata pa lamang ay pinapakita niya na ang talino at galing ng Pilipino sa larangan ng Jiu-Jitsu. Talaga namang napakahusay ng ating kabataan.
Personal na dumalo si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa inaugaration and blessings ng bagong tayong Multi- Purpose Building sa loob ng Central Bicol State University of Agriculture. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng TGP Partylist. Ang nasabing gusali ay magsisilbi ring evacuation center sa panahon ng kalaminad. Nakasama Ni Cong Teves ang pangulo ng CBSUA na si Dr. Alberto Naperi at ang Regional Director Ng DA V na si Director Rodel Tornilla.Labis ang pasasalamat sa TGP Partylist ng nasabing unibersidad at ng mga residente sa ipinagkaloob na gusaling ito sa kanilang lugar.
Mismong si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang nagpasinaya ng Multipurpose Covered Court na handog ng TGP Partylist sa Commonwealth, Quezon City na dinaluhan ng buong opisyales ng Barangay Commonwealth sa pangunguna ni Punong Barangay Manuel Co.
Nakiisa rin si City Councilor Candy Medina sa Ribbon Cutting na dumalo din sa aktibidad.
Dinalang muli ng TGP Partylist ang Crisis Assistance Program nito sa lungsod ng Pasig sa ugnayan ng ating kinatawan na si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., Councilor Angelu De Leon at Councilor Eric Gonzales. May 400 na beneficiaries ang nahatiran ng tulong pinansyal na pinangasiwaan ng DSWD-NCR. Lubos ang kanilang pasasalamat sa natanggap na anila’y malaking tulong sa gitna ng nagtataasang halaga ng mga pangangailangan.
#TGPpartylist#CongBongTevesJr#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr
Mahalagang bahagi ng TGP Partylist Crisis Assistance Program ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro ng ating kapatirang Triskelion. Sa patuloy na pag-ikot ng TGP Partylist sa pangunguna ng ating representante na si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. ay mga brod at sis naman sa bayan ng Tanza, Cavite ang ating pinuntahan. Naging mas makabuluhan ang aktibidad sa pagdalo nina FF Roy Ordinario at FF Talek Pablo.
Nagtungo ang TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa Santa Maria, Laguna upang makiisa sa inorganisa ng Bureau Fire Protection (BFP) na 3×3 Basketball kasama si PBA Legend Paul “Bong” Alvarez o mas kilala sa tawag na “Mr. Excitement”.
Nagdala rin tayo ng 2 Laptop bilang pagtugon sa kahilingan ng BFP na magagamit nila sa kanilang headquarter upang mas mapaayos at makatulong sa kanilang pagresponde sa bawat emergency.
Ang pakikiisa sa event na ito ay malinaw na pagtalima rin ng TGP Partylist sa adbokasiyang Kalusugan at Kabataan.
Sa pagpunta ng TGP Partylist sa San Pedro City Laguna ay kitang-kita pa din sa mga kabahayan at maging sa mismong dadaanan ang mga bakas at putik na dahil sa matinding baha dulot ng nagdaang Bagyong si Paeng.
Sa direktiba ng ating representante, Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. at TGP Partylist Board of Trustees sa pamumuno ni Chairman Norman Macapagal at President Atty. Jim Villanueva ay pinaghandaan natin ng 1,000 Relief Goods sa tulong ni B.O.T. Atty. Rommel Oliva at personal nating hinatid sa mga kapatid nating Triskelion at pamilya nila na syang lubhang apektado ng kalamidad.
Ang pamamahagi ay inorganisa ng San Pedro City Triskelion Council sa pamumuno ni Chairman Cons Magno, kasama sina CALABARZON GenSec Ronald Allan Mangao, Vice GenSec Caloy Ponce, at Laguna Provincial Council GovGen Ruslan Fonacier. Dumalo at tumulong din sa pamamahagi ng relief packs ang kapatid nating si Bro. Atty. Brod Melvin Matibag na lagi namang nakagabay din sa mga kapatid katuwang ang kanyang maybahay na si Congresswoman Anne Matibag.
#TGPpartylist#CongBongTevesJr#TGPpartylistCares#DeputyMajorityLeaderBongTeves
Bilang dating Vice Chairman ng Local Government Committee at Committee on Public Order and Safety Ex-officio Member sa Kongreso ay nais tiyakin ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr na maging maayos ang kalagayan at maging kagamitan ng ating mga kapulisan kaya naman personal niyang iniabot ang mga handog ng TGP Partylist para sa mga kapulisan ng Bohol sa pamumuno ni C.O.P. PLt. Col Reggie Real sa Tagbilaran, Bohol.
Ito ay sa pamamagitan din ng Triskelion Law Enforcers Group (TriLEG) Bohol na pinamumunuan ni Chairman Brod. PLt Nelson Lodripas.