Paghahatid ng tulong ay ang Barangay Escopa 1 sa Quezon City

Sa nakaraang pag-iikot at paghahatid ng tulong ay ang Barangay Escopa 1 sa Quezon City naman ang pinuntahan ng TGP Partylist kung saan ay may 250 residente ang nakatanggap ng financial assistance. Ang pamamahagi ay hiniling ng kasama natin sa TGP PL na si Kgwd. Brod Dong Macabata, sa ilalim ng pangangasiwa ng DSWD-NCR. Naging mas makabuluhan din ang aktibidad sa pagdalo ni FF Roy Ordinario.

Hangad ng ating TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. na mas marami pang lugar ang mahatiran ng tulong sa mga susunod na panahon.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr#CongBongTevesJr

TUPAD Program

Bumabangon pa lamang sa naging epekto ng pandemya at kalamidad ang bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro ay panibagong pagsubok na naman ang kinakaharap nito ngayon dahil sa oil spill. Kung kaya’t ito ay pinuntahan ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Jose “Bong” Teves Jr. sa implementasyon ng 1.5 milyong halaga ng TUPAD Program na hiniling ng representante sa DOLE R4B. May 369 na residente ang beneficiaries, kasama dito ang ang mga kapwa Triskelion. Lubos ang pasasalamat ng mga lokal na opisyal sa pamumuno ni Naujan Municipal Mayor Henry Joel Teves. Sa kanyang pagbisita ay nagdala din si Cong. Bong Teves Jr. ng 100 sacks of rice bilang karagdagang tulong sa munisipalidad.

Namahagi ng mga gardening tools sa iba’t-ibang barangay at paaralan sa probinsya ng Catanduanes.

Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. namahagi ng mga gardening tools sa iba’t-ibang barangay at paaralan sa probinsya ng Catanduanes.

Personal na tinungo at ibinigay ni TGP Partylist Representative Bong Joson Teves Jr. ang mga gardening tools sa mga guro mula sa iba’t-ibang paaralan at sa mga barangay officials mula sa liblib na mga barangay sa probinsya ng Catanduanes.

Ang mga kagamitan na ito ay tulong alinsunod sa programang “Gulayan sa Paaralan at Barangay” na isinusulong ngayon ng kongresista sa buong Pilipinas.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

Nagpaabot ng tulong sa mga naging biktima ng dalawang magkahiwalay na sunog sa Brgy. Merville at Brgy. Moonwalk, Parañaqu

March 25, 2023

Magkatuwang na nagpaabot ng tulong sina Konsehal Raffy “Apiong” Dela Pena at TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa mga naging biktima ng dalawang magkahiwalay na sunog sa Brgy. Merville at Brgy. Moonwalk, Parañaque.

Katuwang ang ating mga kapatid na Triskelion sa San Agustin Chapter na syang nagassist sa mga gawain.

#TGPpartylist

#RaffyApiongDelaPena

#TauGammaPhi#TauGammaSigma

TGP Partylist TUPAD Program sa pakikipag-ugnayan nito sa Department of Labor & Employment (DOLE)

Marami na ang natulungan at marami pang matutulungan ng TGP Partylist TUPAD Program sa pakikipag-ugnayan nito sa Department of Labor & Employment (DOLE). Nitong nakaraan ay 1 million na halaga ng TUPAD ang dinala sa bayan ng Alaminos, Laguna na naisakatuparan sa kahilingan ni Alaminos Mayor Brod Glenn Flores kay TGP Partylist Cong. Deputy Majority Leader Jose “Bong” Teves Jr.

#TGPpartylist

#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr

#CongBongTevesJr

Financial assistance katuwang ang National Movement of Young Legislators Laguna Chapter

Ang bayan naman ng Nagcarlan sa lalawigan ng Laguna ang personal na pinuntahan ni Deputy Majority Leader Cong. Jose “Bong” Teves ng TGP Partylist upang pangunahan ang distribution ng financial assistance katuwang ang National Movement of Young Legislators (NMYL) Laguna Chapter, gayundin ang Laguna Triskelion Provincial Council at Nagcarlan Triskelion Municipal Council. Ang programa ay dinaluhan nina Nagcarlan Vice-Mayor Rexon Arevalo na kumatawan din kay Nagcarlan Mayor Elmor Vita, Matthew Taningco na kumatawan kay Laguna Dist. 3 Cong. Amben Amante, Laguna Provincial Council Govgen Ruslan Fonacier, at Nagcarlan Municipal Council Chairman Jonathan Formelosa.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeadeeBongTevesJr

#CongBongTevesJr