Happy World Teacher’s Day! Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga guro na walang sawang nagbibigay ng kanilang talino at galing upang hubugin ang kinabukasan ng kabataang Pilipino. Kayo ay mahalagang haligi ng ating bayan, at patuloy kayong inspirasyon sa lahat ng inyong tinuturuan.
Sa TGP Party-List lagi kaming kumikilos upang suportahan ang mga guro. Isa sa mga hakbang na ito ay ang pagpasa ng batas na nagbibigay ng isang (1) service laptop sa bawat public school teacher sa buong bansa—House Bill 2168 na isinulong sa 19th Congress. https://bit.ly/TGPParty-ListLaptop4Teachers
Patuloy naming isusulong ang mga programang makakatulong sa inyong trabaho at kabuhayan, dahil ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating bayan. Salamat sa talino at galing ng Pilipinong guro! #TGPPartylist #CongBongTevesJr #TeachersDay2024