Isang malaking tagumpay para sa seguridad, kabuhayan, at kalikasan ng ating bansa ang pagsasabatas ng Philippines Maritime Zone Act (R.A. 12064) at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (R.A. 12065)! Mapalad ang TGP Party-List at si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. na masaksihan ang ceremonial signing nito.
Ang Philippine Maritime Zones Act (R.A. 12064) ay nagtatakda ng hangganan ng ating mga karagatan at tinutukoy ang ating mga karapatan sa mga yamang-dagat. Alinsunod ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Mas pinagtitibay nito ang ating pag-angkin sa West Philippine Sea—isang hakbang para mapangalagaan ang kabuhayan ng mga mangingisda at matiyak ang proteksyon sa likas-yaman ng ating bansa.
Ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (R.A. 12065) naman ay nagtatakda ng ligtas na ruta sa ating karagatan at himpapawid, nang hindi sinasakripisyo ang ating seguridad at kalikasan. Pinapalakas nito ang ating kapasidad na pamahalaan ang ating karagatan at nagbibigay ng daan sa mas maayos na ugnayan sa ibang bansa.
Maraming salamat kay Pangulong Bongbong Marcos at sa ating mga kasamahan sa Senate of the Philippines at House of Representatives of the Philippines sa pag-pasa ng batas na ito. Patuloy ang TGP Party-List sa pag-suporta sa layuning ng gobyerno tungo pangangalaga ng ating kalikasan at pag protekta ng ating karagatan para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon! #TGP23#TGPPartylist#TGPParaSaKalikasan#BagongPilipinas#AtinAngWestPhilippineSea