MAHIGIT LABING ISANG LIBONG RELIEF ASSISTANCE NG TGP PARTYLIST NAIHATID NA SA 11 MGA BAYAN SA CATANDUANES

MAHIGIT LABING ISANG LIBONG RELIEF ASSISTANCE NG TGP PARTYLIST NAIHATID NA SA 11 MGA BAYAN SA CATANDUANES

Virac, Catanduanes-Mahigit sa isang libong relief assistance ang ipinamahagi ng TGP partylist katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 11 bayan sa lalawigan ng Catanduanes matapos ang anim na araw na paghagupit ng supertyphoon pepito sa probinsya.

11,000 food packs ang ipinamahagi ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong Jose Bong Teves Jr. sa bawat munisipalidad ng Panganiban, Bagamanoc, Viga, San Miguel, Gigmoto, Bato, Baras, Caramoran , Pandan, San Andress at Virac.

Unang araw matapos ang pananalasa ng supertyphoon pepito ay bumisita naman sa mga bayan sa lalawigan si Deputy Majority Leader at TGP Partylist Representative Congressman Jose “Bong” Teves Jr. na una ng personal na kinumusta ang sitwasyon ng mga residente sa mga lugar na hinagupit ng bagyong pepito.

Labis naman ang pasasalamat ni Catanduanes Governor Joseph Cua at labing isang mga mayor ng lalawigan kay Cong Bong Teves lalo na sa TGP Partylist dahil sa mabilis na pagtugon nito na mahatiran ng agarang tulong ang kanyang mga kababayan na mga Catandunganon.

Samantala, inaasahan naman ng Catanduanes na marami pang darating na asistensya mula sa national government, NGO’s at iba pang ahensya ng gobyerno upang pantawid sa pang araw-araw na pamumuhay lalo pa at pati kabuhayan ng mga residente ay napinsala rin kung saan nanawagan ang mga residenteng nawasak ang kanilang mga bahay na kaunting tulong para sa mga construction materials upang makapagsimula muli ng pagbangon ng bawat Catandunganon.

SOURCE : BHTV NEWS PHILIPPINES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *