
Maraming salamat, Calamba, Laguna, sa mainit ninyong pagtanggap sa TGP Partylist at kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., Tunay na nakakataba ng puso ang ipinakita ninyong buong suporta mula sa mahigit 2,000 leaders na kinabibilangan ng mga senior citizens, PWDs, magsasaka, mangingisda, at iba’t ibang sektor. Kasama rin natin sina Board Member Princess Lajara at Councilor Niño Lajara sa makabuluhang pagtitipon na ito.
Patuloy po tayong magsama-sama sa adbokasiyang maghatid ng ligtas, murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. Asahan n’yo pong ang bawat panukalang batas ng TGP Party-List ay para sa inyong kapakanan. Para sa tuloy-tuloy na serbisyo, No. 23 sa balota — TGP Party-List!