Maraming salamat sa Tau Gamma Sigma Central Luzon Regional Council

Maraming salamat sa Tau Gamma Sigma Central Luzon Regional Council, sa pamumuno ni Lady Gen. Sec. Bernadeth Pineda, sa inyong mainit na pagtanggap kay Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. at sa aming team sa pagdiriwang ng ika-56 na anibersaryo ng inyong pagkakatatag.

Pinatunayan ng event na ito ang pagkakaisa ng Triskelion community, na dinaluhan ng iba’t ibang Provincial at Municipal Councils sa Gitnang Luzon. Suportado ito ng Tau Gamma Phi Central Luzon Regional Council, sa pangunguna ni Gen. Sec. Xzibit Centeno, na nagpakita rin ng matibay na pakikiisa.

Bilang partner ninyo sa pagbuo ng mga makabuluhang programa para sa komunidad, saludo kami sa inyong dedikasyon sa serbisyo at pagkakaisa. Sama-sama, magtutulungan tayo para sa mas maayos na buhay ng ating mga kababayan sa rehiyon.

#TGP23#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *