Isinagawa ng DSWD sa pamamagitan ng TGP Partylist ang AKAP Payout sa Siniloan, Laguna. Ang programang ito, na tinatawag na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay pinangunahan ni Deputy Majority Leader and Representative Bong Joson Teves Jr. sa koordinasyon kay Vice Mayor Carla Valderrama at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang layunin ng programa ay magbigay ng tulong pinansyal sa mga kapos ang kita na residente ng Siniloan.
Nakatanggap ng tulong ang 700 benepisyaryo mula sa nasabing bayan, na lubos na nakatulong sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lokal na lider at TGP Party-List ay nagbigay-diin sa kanilang dedikasyon na mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga kababayan.