Opisyal na pinirmahan ang 2025 National Budget!
Ang budget na ito ay produkto ng sama-samang dedikasyon ng buong pamahalaan upang maisulong ang malalaking layunin para sa susunod na taon—social services, kalusugan, edukasyon, imprastraktura, at agrikultura.
Ang TGP Party-List ay patuloy na sumusuporta sa malalaking layunin ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga batas at programa para sa ikagaganda ng kalikasan, kalusugan ng ating mga kababayang, at para sa kinabukasan ng kabataan.
Lubos tayong nagpapasalamat sa ating mga kasamahan sa House of Representatives of the Philippines, Senate of the Philippines at kay Pangulong Bongbong Marcos para sa kanilang sipag at determinasyon na maipasa ang budget na magbibigay-daan na maibigay ang serbisyo para sa bayan at bawat Pilipino!