
Tahimik na pagninilay ngayong Biyernes Santo. Ngayong Biyernes Santo, inaalala natin ang sakripisyong ginawa ni Hesus sa krus, isang dakilang tanda ng pag-ibig na walang kapalit.

Nawa ay maalala natin ang itinuro Niya sa atin ang kahulugan ng tunay na pagmamahal sa kapwa: ang pagbibigay, pag-unawa, at paglilingkod nang walang hinihintay na kapalit. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang araw-araw nating piliing mahalin at paglingkuran ang ating kapwa Pilipino, lalo na ang mga nangangailangan.