
Tayo’y Gabay Pangkabataan! Isa sa mga pangunahing adbokasiya ng TGP Partylist ang pagbibigay ng gabay at suporta sa mga kabataan. Sa ginanap na Consultation Meeting kasama ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang Kolehiyo sa lalawigan ng Catanduanes, nabigyang-pansin ang mahahalagang usapin at pangangailangan ng sektor ng kabataan.
Sa pangunguna ni Baras Mayor Paolo Teves, Pangulo ng League of Municipalities – Catanduanes Chapter, na kumatawan kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., naging makabuluhan ang talakayan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Catandunganon!