
Isang makabuluhan at matagumpay na TGP Party-List Consultative Meeting ang ginanap sa Casa Lorenzo, Tagas, Daraga, Albay, kung saan mainit na tinanggap ang TGP Partylist at si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr.
Kasama ang mga Triskelion na kandidato sa iba’t ibang posisyon sa Sorsogon at Albay, ipinakita nila ang buong pagsuporta sa TGP Party-List at sa layunin nitong ipagpatuloy ang serbisyong may malasakit at isulong ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Sa darating na halalan, ipakita natin ang ating suporta sa #23 sa balota – TGP Party-List! Sama-sama nating itaguyod ang adhikaing ligtas at murang gamot para sa lahat.
Dios mabalos po!