
Matagumpay na naisagawa ang TGP Partylist Consultative Meeting sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., kasama ang ating mga lider mula sa Unang Distrito ng Laguna! Isang makabuluhang pagtitipon upang mapalakas ang adhikain ng ating samahan at matiyak ang patuloy na suporta para sa ating mga kapwa Triskelion. Mula San Pedro, Biñan, Cabuyao, hanggang Calamba, dumalo din ang ating mga kapatid mula sa TAO, TRILEG, at Tau Gamma Sigma upang ipakita ang kanilang pagkakaisa!
Nanatiling matibay ang suporta ng mga Triskelion sa Lalawigan ng Laguna sa TGP Party-List at kay Cong. Bong Teves Jr. para sa darating na halalan. Sama-sama nating ipaglaban ang Ligtas at Murang Gamot para sa lahat! Huwag kalimutan, #23 sa balota – TGP Party-List! Para sa abot-kayang gamot at serbisyong pangkalusugan, TGP Party-List, Atin ito!