TGP PARTYLIST NAKIISA SA CIVIC AT FLOAT PARADE KAUGNAY NG SELEBRASYON NG PEÑAFRANCIA FESTIVAL 2024

TGP PARTYLIST NAKIISA SA CIVIC AT FLOAT PARADE KAUGNAY NG SELEBRASYON NG PEÑAFRANCIA FESTIVAL 2024

By: Carol Tirao

Naga City- Sa patuloy na pagdiriwang ng Peñafrancia Festival ay nakiisa ang TGP Partylist sa isinagawang Civic at Float Parade nitong Setyembre 19 sa Naga City.

Bilang parte ng selebrasyon ng ika-100th Anniversary ng Canonical Coronation ng Inang Peñafrancia ay tampok ang mga makukulay na float at parada sa nasabing araw kung saan nakilahok ang TGP Partylist na maituturing na “biggest participant” sa parada.

Mismong ang representative nito na si Congressman Jose” Bong” Teves. Jr. ay hindi rin nagpahuli at aktibo pang nakiisa at sumuporta sa Bicol Regional Council, Camarines Sur Provincial Council, at Triskelion Ocampo Municipal Council.

Samantala, hindi lamang sa espesyal na okasyon makikita ang aktibong pagsuporta ng TGP Partylist, kung hindi pati na sa iba’t ibang sektor na kinakailangan ng asistensiya tulad na lamang sa serbisyong medikal, sektor ng edukasyon, at tulong sa mga kapos

Maging ang mga nasalanta ng nagdaang bagyo ay pinaglalaanan din umano ng kanilang tanggapan:

Sa panayam ng mga Media kay Congressman Teves patuloy ang pagtulong sa mga tinamaan ng baha at naglaan po ang TGP Partylist dito, sa Naga ng 1,500 food packs na ipamimigay at sa Camarines Sur naman ay 5,000 food packs.

Bukod sa nasabing lungsod ay nauna na ring nahatiran ng tulong ang iba pang lugar sa Camarines Sur sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng TGP sa DSWD upang bigyang asistensiya ang ilan sa mga lugar sa Rinconada area maging sa Milaor sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Pangako pa ni Congressman Bong Teves, Jr. na tuloy tuloy ang kanilang pamamahagi ng gardening tools o mga kasangkapang pang-agrikultura bilang dagdag programa na nakasentro sa food security ng bawat pamilya sa probinsiya.

Nagbigay ng mensahe ang kongresista sa mga kapwa niya Bicolano na ipagpatuloy ang debosyon kay Inang Peñafrancia na patrona ng Bicolandia.

CTTO: BHTV News Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *