Maraming Salamat, Bailen (Emilio Aguinaldo), Cavite!

Maraming salamat, Bailen (Emilio Aguinaldo), Cavite! Isang malaking karangalan para sa TGP Partylist na makabalik at makasama kayo. Sa mga nagdaang taon, sama-sama nating naipatupad ang mga programang nagbigay tulong at pag-asa sa inyong bayan.

Patuloy kaming magiging kaagapay ninyo para sa ligtas at murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan. No. 23 sa balota — TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Hindi Matatawaran ang Init ng Pagtanggap ng Mabitac, Laguna

Hindi matatawaran ang init ng pagtanggap ng Mabitac, Laguna sa pagbisita ng TGP Partylist kasama si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr.! Muli pinagtibay ang adhikain ng TGP Party-List na hindi titigil sa pagsuporta sa mga programang para sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan.

Para sa ligtas at murang gamot, de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, at mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino — suportahan natin ang No. 23 sa balota, TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming Salamat, Norzagaray, Bulacan

Maraming salamat, Norzagaray, Bulacan, sa inyong pagtanggap sa TGP Partylist sa inyong mga komunidad at tahanan Mainit man ang panahon, mas mainit pa ang pagtanggap ng mga residente ng Barangay Bigte, North Hills Village (NHV) at Friendship Resources Village (FVR), Norzagaray.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga local na katuwang naming sa gawaing ito.

#6 Bokal Mariza Tuazon, Mula sa District 6 ng Bulacan

Norzagaray Triskelion Council sa pangunguna ni Chairman at Konsehal Alex Calalo at Vice Chairman Jerico Cruz Navarez

Mga Ka-TGP sa Norzagaray, sana ay samahan ninyo kami hanggang sa Lunes, Mayo 12 — Halalan 2025. Sama-sama nating isulong ang kalidad at abot-kayang gamot, at mas maayos na serbisyong medikal para sa lahat.

Para sa Kalusugan, Kabataan, at Kalikasan – TGP Partylist #23 sa Balota. Tandaan po natin, isa lang ang pwdeng ibotong partylist. At huwag kalimutan, #6 sa balota – Bokal Marisa Tuazon ng District 6 ng Bulacan

#TGP23 #TGPpartylist #DeputyMajorityLeader #CongBongTevesJr

Bilib ang TGP Partylist at si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa Talino, Sipag, at Galing ng Manggawang Pilipino

Bilib ang TGP Partylist at si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa talino, sipag at galing ng manggawang Pilipino! Ngayong Araw ng Paggawa, hindi lang kami bumabati, kumikilos rin kami para sa ikabubuti ng bawat pamilyang Pilipino.

Sa pamamagitang ng House Bill 11376 isinusulong ng TGP Partylist ang P200 dagdag sahod para sa mga empleyado sa pribadong sektor. Dahil ang bawat araw ng iyong pagbangon, dapat sinusuklian ng ginhawa, dignidad, at suporta.

Kaya sana po, sa darating na eleksiyon, samahan ng mga manggagawang Pilipino pabalik ng kongreso, #23 TGP Party-List ng sa ganun ay maipagpatuloy natin ang isinusulong na dagdag sahod.

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr#LaborDay2025

Maraming Salamat, Albay at buong Bicol Region!

Maraming salamat, Albay at buong Bicol Region! Sa pinakabagong Stratbase–commisioned SWS survey noong April 11–15, 2025, lumabas ang TGP Partylist sa listahan ng top 10 partylist. Taos-puso ang aming pasasalamat sa paulit-ulit ninyong pagtitiwala.

Mas lalo pa po kaming magsusumikap na mapaunlad ang mga programang pang-kalusugan, pang-kabataan at pang-kalikasan

Sana ay hanggang Mayo, samahan n’yo pa rin kami at tulungang maisabatas ang mga panukalang ating ihinain sa kongreso. Tandaan po ninyo, #23 sa Balota – TGP Partylist.

Salamat po ulit sa ating mga taga-suporta sa Albay at buong ka-Bicolan!

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Maraming Salamat sa Inyong Mainit na Pagtanggap, Suporta, at Tiwala sa TGP Partylist!

Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap, suporta, at tiwala sa TGP Partylist! Personal na binisita ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. ang Occidental Mindoro at nakipagkita sa mga TGP supporters at leaders para magplano ng mga hakbang para sa mas ikauunlad ng bawat komunidad sa Lalawigan.

Patuloy ang TGP Party-List sa pagsulong sa ligtas at murang gamot at de-kalidad serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. No. 23 sa balota, TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Mainit na Pagtanggap ang Sumalubong sa TGP Partylist

Mainit na pagtanggap ang sumalubong sa TGP Partylist sa magkahiwalay na kumustahan at ugnayan sa mga bayan ng Nagcarlan at Alaminos sa lalawigan ng Laguna. Naiparating natin ang mensahe ng patuloy na pakikiisa at suporta sa mga lokal na adhikain ng bawat komunidad.

Hindi po titigil ang TGP Party-List sa pagsusulong ng ligtas at murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. Sama-sama nating itaguyod ang adbokasiyang ito—TGP Party-List, No. 23 sa balota. Atin ‘to!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming Salamat Kap. Nol Quilingen at sa buong Barangay 176-D, Caloocan

Maraming salamat Kap. Nol Quilingen at sa buong Barangay 176-D, Caloocan sa paanyaya sa TGP Party-List at kay Deputy Majority Leader Flag Raising Ceremony! 🇵🇭 Napakagandang pagkakataon po na makasama kayo sa isang makabuluhang pagtitipon ng inyong komunidad. Lubos din ang aming pasasalamat sa mainit na pagtanggap at sa patuloy ninyong suporta sa mga programa ng TGP Partylist — para sa kalusugan, kalikasan, at kabataan. Sana po sa ating mga taga-suporta sa Caloocan, patuloy ninyo kaming samahan sa darating na elesiyon ngayong Mayo! Tandaan po natin, TGP # 23 sa balota!

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Damang-Dama ang Napakainit na Pagtanggap at Suporta,

Damang-dama ang napakainit na pagtanggap at suporta, Bayan ng Santa Maria, Laguna! Kasama ninyo ang TGP Partylist sa bawat hakbang ng paglilingkod, sa pangunguna ng ating kinatawan na si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. Patuloy kaming magsusulong ng mga programang para sa ikabubuti ng bawat pamilyang Pilipino.

Asahan ninyo ang tuloy-tuloy na suporta ng TGP Party-List sa adbokasiya para sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan. Para sa ligtas at abot-kayang gamot, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, No. 23 sa balota — TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Lubos ang Pasasalamat ng TGP Party-List

Isang makabuluhang kumustahan at ugnayan ang naganap kasama ang mga LGU partners ng TGP Partylist sa lalawigan ng Laguna. Sa kabila ng abalang kampanya sa iba’t ibang bayan, hindi pinalampas ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. ang pagkakataong personal na makaharap at makausap ang ating mga kaagapay sa serbisyo. Sa ilalim ng TGP Party-List, naging masaya at makabuluhan ang palitan ng ideya at plano para sa patuloy na pagtulong sa mga mamamayan.

Lubos ang pasasalamat ng TGP Party-List sa walang sawang suporta ng ating mga LGU partners sa adhikain ng Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan. Sama-sama nating isinusulong ang ligtas at murang gamot, pati na rin ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. No. 23 sa Balota — TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr