Inihain na nga po ng TGP Party-List ang aming Certificate of Nomination and Acceptance (CONA)

Inihain na nga po ng TGP Party-List ang aming Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa Manila Hotel! Sama-sama po nating ipagpatuloy ang magagandang proyekto at adbokasiya ng nakaraang dalawang termino.

Kasama natin sa filing of CONA sila Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., 2nd Nominee Engr. Aaron Carlo Dy Cabrera,TGP Party-List Trustee at Philippine Red Cross Governor Jenni Munar at TGP Party-List President Atty. Jeremiah Villanueva. Kasama natin silang nakatuon sa mga proyektong makakaapekto sa kabataan, kalusugan, at kalikasan.

Magpapatuloy kami sa pag-susumikap na magbibigay ng serbisyong susuporta sa Talino at Galing ng Pilipino. Salamat sa inyong suporta at sana ay samahan niyo kami sa pag-sulong ng partido sa May 2025 elections! #TGPPartyList#KabataanKalusuganKalikasan

Happy World Teacher’s Day

Happy World Teacher’s Day! Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga guro na walang sawang nagbibigay ng kanilang talino at galing upang hubugin ang kinabukasan ng kabataang Pilipino. 🇵🇭 Kayo ay mahalagang haligi ng ating bayan, at patuloy kayong inspirasyon sa lahat ng inyong tinuturuan.

Sa TGP Party-List lagi kaming kumikilos upang suportahan ang mga guro. Isa sa mga hakbang na ito ay ang pagpasa ng batas na nagbibigay ng isang (1) service laptop sa bawat public school teacher sa buong bansa—House Bill 2168 na isinulong sa 19th Congress. https://bit.ly/TGPParty-ListLaptop4Teachers💻

Patuloy naming isusulong ang mga programang makakatulong sa inyong trabaho at kabuhayan, dahil ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating bayan. 🇵🇭Salamat sa talino at galing ng Pilipinong guro! #TGPPartylist #CongBongTevesJr #TeachersDay2024

Maligayang ika-56 na anibersaryo sa Tau Gamma Phi Fraternity! 

Maligayang ika-56 na anibersaryo sa Tau Gamma Phi Fraternity! Sa loob ng mahigit kalahating siglo, naging bahagi kayo ng pagtataguyod ng kapatiran at pagtulong sa komunidad. Kinikilala namin ang inyong suporta na ipagpatuloy ang ating layunin na maging katuwang sa pagprotekta sa kabataan. Salamat sa pagiging katuwang namin sa TGP Party-List para sa ligtas na kinabukasan ng ating mga kabataan at magandang kalusukan ng mga Pilipino. Mabuhay kayo at ang mga gawain ng kapatiran! Salute! #taugammaphitriskeliongrandfraternity#TGPPartylist

See less

Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

Isang malaking hakbang ang pagpapatibay ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na nilagdaan ni President Bongbong Marcos. Ang batas na ito ay bunga ng pagsusumikap ng mga miyembro ng Senate of the Philippines at House of Representatives of the Philippines, kasama si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., na isa sa mga may-akda. Sa pamamagitan ng batas na ito, mas pinapalakas natin ang food security at tinutulungan ang mga lokal na magsasaka na ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Makakatulong din ito sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Ipagpatuloy natin ang pagtulong at suporta para sa masagana at Bagong Pilipinas! #TGPPartylist#TGPPartylistCares#PBBM#AgriculturalSmuggling

See less

The Magna Carta of Filipino Seafarers (RA-12021), is now Officially a Law

The Magna Carta of Filipino Seafarers (RA-12021), now officially a law, underscores the TGP Party-List’s unwavering support for our Filipino seafarers. This comprehensive law guarantees fair work conditions, the right to organize, affordable education and training, and ensures seafarers’ families are kept informed when necessary. Additionally, it secures their rights to safe passage, free legal support, quick medical care, and fair treatment during maritime incidents. Kudos to my colleagues in the House of Representatives of the Philippines and Senate of the Philippines. Salute to President Bongbong Marcos for his dedication to building a brighter future for our seafarers. ⚓️🇵🇭 Patuloy ang suporta ng TGP sa talino at galing ng ating mga seafarers! #TGPPartylistCares#TGPPartylist#BongTevesJr#Seafarers#Seaman#seamanslifeonboard#pinoyseaman

See less

TGP PARTYLIST NAKIISA SA CIVIC AT FLOAT PARADE KAUGNAY NG SELEBRASYON NG PEÑAFRANCIA FESTIVAL 2024

TGP PARTYLIST NAKIISA SA CIVIC AT FLOAT PARADE KAUGNAY NG SELEBRASYON NG PEÑAFRANCIA FESTIVAL 2024

By: Carol Tirao

Naga City- Sa patuloy na pagdiriwang ng Peñafrancia Festival ay nakiisa ang TGP Partylist sa isinagawang Civic at Float Parade nitong Setyembre 19 sa Naga City.

Bilang parte ng selebrasyon ng ika-100th Anniversary ng Canonical Coronation ng Inang Peñafrancia ay tampok ang mga makukulay na float at parada sa nasabing araw kung saan nakilahok ang TGP Partylist na maituturing na “biggest participant” sa parada.

Mismong ang representative nito na si Congressman Jose” Bong” Teves. Jr. ay hindi rin nagpahuli at aktibo pang nakiisa at sumuporta sa Bicol Regional Council, Camarines Sur Provincial Council, at Triskelion Ocampo Municipal Council.

Samantala, hindi lamang sa espesyal na okasyon makikita ang aktibong pagsuporta ng TGP Partylist, kung hindi pati na sa iba’t ibang sektor na kinakailangan ng asistensiya tulad na lamang sa serbisyong medikal, sektor ng edukasyon, at tulong sa mga kapos

Maging ang mga nasalanta ng nagdaang bagyo ay pinaglalaanan din umano ng kanilang tanggapan:

Sa panayam ng mga Media kay Congressman Teves patuloy ang pagtulong sa mga tinamaan ng baha at naglaan po ang TGP Partylist dito, sa Naga ng 1,500 food packs na ipamimigay at sa Camarines Sur naman ay 5,000 food packs.

Bukod sa nasabing lungsod ay nauna na ring nahatiran ng tulong ang iba pang lugar sa Camarines Sur sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng TGP sa DSWD upang bigyang asistensiya ang ilan sa mga lugar sa Rinconada area maging sa Milaor sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Pangako pa ni Congressman Bong Teves, Jr. na tuloy tuloy ang kanilang pamamahagi ng gardening tools o mga kasangkapang pang-agrikultura bilang dagdag programa na nakasentro sa food security ng bawat pamilya sa probinsiya.

Nagbigay ng mensahe ang kongresista sa mga kapwa niya Bicolano na ipagpatuloy ang debosyon kay Inang Peñafrancia na patrona ng Bicolandia.

CTTO: BHTV News Philippines

Bagong Emergency Response Vehicle sa Barangay Putatan, Muntinlupa

Masaya naming pinapaalam na may bagong emergency response vehicle na ang Barangay Putatan sa Muntinlupa! Salamat kay Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr ng TGP Party-List. Malaking tulong ito para sa mga gawain ng Barangay, mga sakuna, at medikal na pangangailangan ng mga taga Putatan. Bahagi ito ng layunin ng TGP na suportahan ang kabataan, kalusugan, at kalikasan.

Maraming salamat sa suporta ng komunidad sa likod ng aming partido, lalong-lalo na sa pagdalo nina Atty. Jim Villanueva (TGP Party-List President) Engr. Aaron Carlo Dy Cabrera (TGP Party-List 2nd Nominee) at Atty. Glenn Albano (TGP Board of Trustees). Salamat din sa koordinasyon ng opisina ni Kapitan Gerry Teves ng konseho at sa lahat ng tumulong sa proyektong ito. Excited na kami sa mga susunod na proyekto kasama ang Barangay Putatan! #BagongPilipinas#TGPPartylist#TGPPartylistCares#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

1st day of the Plenary Deliberations for HB No. 10800 or the General Appropriations Bill for FY 2025

Deputy Majority Leader and TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. is present at the first day of the plenary deliberations for HB No. 10800 or the General Appropriations Bill for FY 2025.

#TGPPartylist

#TGPPartylistCares

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maligayang kaarawan, Pangulong Bongbong Marcos!

Maligayang kaarawan, Pangulong Bongbong Marcos! Mula kay Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves, sa aming mga kasama, at mga tagasuporta ng TGP Partylist at TGP Partylist Cares taos-puso kaming nagpasasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa Talino at Galing ng Pilipino. Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan, matatag na pamahalaan, at mas marami pang tagumpay para sa ikauunlad ng Bagong Pilipinas.

#pbbmbirthday

#HBDPBBM

#TGPPartylist

#TGPPartylistCares

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr