Lubos ang Pasasalamat ng TGP Party-List

Isang makabuluhang kumustahan at ugnayan ang naganap kasama ang mga LGU partners ng TGP Partylist sa lalawigan ng Laguna. Sa kabila ng abalang kampanya sa iba’t ibang bayan, hindi pinalampas ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. ang pagkakataong personal na makaharap at makausap ang ating mga kaagapay sa serbisyo. Sa ilalim ng TGP Party-List, naging masaya at makabuluhan ang palitan ng ideya at plano para sa patuloy na pagtulong sa mga mamamayan.

Lubos ang pasasalamat ng TGP Party-List sa walang sawang suporta ng ating mga LGU partners sa adhikain ng Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan. Sama-sama nating isinusulong ang ligtas at murang gamot, pati na rin ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. No. 23 sa Balota — TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

“Magpatuli Para Pogi”

Kamakailan, ang TGP Party-List ay naimbitahang sumuporta at makiisa sa programang “Magpatuli Para Pogi” sa San Ildefonso, Bulacan — isang makabuluhang aktibidad para sa kalusugan ng kabataang lalaki.

Ang gawaing ito ay naging posible sa pangunguna ng Triskelion De Bulacan Provincial Council at San Ildefonso Triskelion Council. Maraming salamat sa lahat ng volunteers at organizers na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito. Nagagalak kami na maging parte ng programang ito.

At syempre…

Congrats sa mga bagong binata! 💪😄

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Maraming Salamat sa Mainit na Suporta sa Isinagawang Motorcade na Inihandog ng Triskelion Grand Council of Navotas City

Maraming salamat sa mainit na suporta at imbitasyon para sa isinagawang motorcade na inihandog ng Triskelion Grand Council of Navotas City para sa TGP Partylist! Isang makabuluhang hakbang ito bilang pagtindig at patuloy na pagsuporta sa ating adhikain na mapanatili ang TGP Party-List sa Kongreso. Muli, isang mainit na pagbati ng Happy 1st Anniversary sa inyong konseho!

Kami sa TGP Party-List ay taus-pusong sumasaludo sa inyong pagkakaisa at dedikasyon, lalo na kay Chairman Jhay Eugenio sa kanyang masigasig na pamumuno sa tagumpay ng pagdiriwang. Para sa ligtas at murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan—No. 23 sa balota, TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming Salamat sa Mainit na Pagtanggap, Muslim Triskelion Leaders!

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Muslim Triskelion Leaders! Taos-puso ang aming pasasalamat sa inyong buong pusong suporta sa TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. at isa sa TGP Party-List Nominee Sultan Jherry Laut. Tunay na kahanga-hanga ang ipinakitang pagkakaisa sa ginanap na consultative meeting sa Sharief Arena Muslim Town, Quiapo, Manila. Salamat din kay Konsehal Paul Beleno Alvarez sa kanyang pakikiisa at pagbibigay suporta sa ating adhikain.

Mula sa TGP Party-List, patuloy tayong magsisilbi para sa murang gamot at abot-kayang serbisyong medikal para sa bawat Pilipino. Para sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan — No. 23 sa balota, TGP Party-List, atin ‘to!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming Salamat, Zamboanga Triskelion Alumni!

Maraming salamat, Zamboanga Triskelion Alumni! Mula pa noon, kaagapay na kayo ng TGP Party-List at ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa lahat ng aming programa para sa kabataan, kalikasan, at kalusugan.

Kasama namin kayo mula sa unang termino, at sana ay samahan n’yo ulit kami sa aming ikatlong termino, para mas marami pa tayong magawa at mas marami pa tayong matulungan.

Tandaan po, sa darating na halalan: #23 sa Balota – TGP Party-List! Para sa tuloy-tuloy na serbisyo at malasakit. 🇵🇭

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Lubos ang Aming Pasasalamat kay Tau Gamma Phi Founding Father Talek Pablo

Lubos ang aming pasasalamat kay Tau Gamma Phi Founding Father Talek Pablo Mula pa noong unang termino ng TGP Party-List, buong puso n’yang sinuportahan ang ating adbokasiya at layuning makagawa ng mga programa para sa kabataan, kalikasan, at kalusugan.

Kahit nasa ibang bansa at sa gitna ng oras para sa pamilya sa Australia, naglaan pa rin siya ng panahon para ikampanya ang TGP Party-List.

FF Talek, maraming salamat sa tiwala, sa suporta, at sa malasakit.

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Tahimik na Pagninilay Ngayong Biyernes Santo

Tahimik na pagninilay ngayong Biyernes Santo. Ngayong Biyernes Santo, inaalala natin ang sakripisyong ginawa ni Hesus sa krus, isang dakilang tanda ng pag-ibig na walang kapalit. 

✝️

 Nawa ay maalala natin ang itinuro Niya sa atin ang kahulugan ng tunay na pagmamahal sa kapwa: ang pagbibigay, pag-unawa, at paglilingkod nang walang hinihintay na kapalit. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang araw-araw nating piliing mahalin at paglingkuran ang ating kapwa Pilipino, lalo na ang mga nangangailangan.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Mapagpalang Huwebes Santo sa Ating Lahat

Mapagpalang Huwebes Santo sa ating lahat. 

🙏

 Ngayong Huwebes Santo, sana ay magsilbi itong paalala ng kababaang-loob ni Hesus sa paghuhugas ng paa ng Kanyang mga alagad at ang kahalagahan ng Huling Hapunan.

Habang tayo’y naglalakbay sa Visita Iglesia o tahimik na nagmumuni-muni, nawa’y mapalalim pa natin ang ating pag-unawa sa tunay na diwa ng paglilingkod — ang pagmamalasakit sa kapwa at pagtutulungan bilang isang bayan. 

🤍

#SemanaSanta2025#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Maraming Salamat sa Imbistasyon at Mainit na Pagtanggap sa TGP Party-list

Maraming salamat sa imbistasyon at mainit na pagtanggap sa TGP Party-list.

Tunay na napakasaya ng Triskelion De Bulacan Provincial Council Concert for a Cause. Ramdam namin ang suporta at saya ng bawat isa. Swak na swak ang tugtugan! Nakakatuwang makita rin ang mga espesyal na bisita na nakasama natin. Sana ay nag-enjoy kayo, mga kapatid naming Triskelion at mga ka-TGP sa Bulacan!

Maraming, maraming salamat din kay Mark Cholo Violago ng San Rafael sa walang sawang suporta . Hindi lang sa concert na ito, kundi sa mga programa ng TGP para sa kalusugan, kabataan, at kalikasan. Matagal ka na naming katuwang, Mayor Cholo, at hangad naming magpatuloy pa ito.

Kaya naman ngayong darating na halalan, suportahan natin si 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐂𝐡𝐨𝐥𝐨, #𝟑 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐨𝐭𝐚, 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝟑𝐫𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧!

At huwag ding kalimutan ang TGP Partylist — #𝟐𝟑 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐨𝐭𝐚! 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐚𝐠𝐮𝐲𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧.

#TGP23 #TGPpartylist #DeputyMajorityLeader #CongBongTevesJr

KamikazeeDong Abay Malupiton Channel Malupiton & Happy Friends VlogsSilent Sanctuary