Pay-Out sa Laguna

Nakakataba ng puso ang kabi-kabilang pasasalamat na natanggap ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa isinagawang pay-out sa Laguna na kanyang personal na dinaluhan. Nasa may 500 na recipients ang nakatanggap ng asistensya katulad ng medical, burial at food assistance na nagmula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan. Sila ang mga pumupunta araw-araw sa ating TGP Partylist Satellite Offices sa Laguna na pinangangasiwaan nina Sta. Cruz Vice-Mayor Laarni Malibiran at Siniloan Vice-Mayor Carla Valderrama. Sa kanyang mensahe ay sinabi ni Cong. Bong Teves Jr. na lalo pa syang magpupursige upang mapalakas at mapalawak pa ang tulong na inihahatid ng TGP Partylist sa lalawigan.

Kasamang dumalo sa aktibidad ang ating mga Local Partner-Officials na kinabibilangan ng mga Mayor, Vice-Mayor at mga Konsehal ng ibat-ibang bayan. Maraming-maraming salamat po sa inyong suporta!

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Ginawaran ng pagkilala ng DZRH Operation Tulong ang TGP Partylist

Ginawaran ng pagkilala ng DZRH Operation Tulong si TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. dahil sa patuloy na pakikiisa sa mga community service sa pamamagitan ng Dugong Alay, Dugtong Buhay, Feeding Mission at mga Relief Operations sa anumang kalamidad sa buong bansa.

Ang parangal ay iginawad kasabay ng 84th anniversary ng DZRH kung saan naging saksi sina Mr. Jomai Paroco Head VP for Sales Marketing, Anthony Taberna, Gerry Baja at ang Head of DZRH Operation Tulong na si Ma’am Mae Binauhan.

Kailan lang ay matatandaang muling nagkasama ang DZRH at ang TGP Partylist sa pagbibigay ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon at sa mga nasunugang pamilya sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Financial Assistance sa Santa Ana

Habang nasa lalawigan ng Cagayan ay pinuntahan na din ng TGP Partylist ang bayan ng Santa Ana upang daluhan ang pamamahagi ng financial assistance sa mga nangangailangan nating kababayan sa lugar. Ito ay bahagi pa rin ng inisyatibo ni Cagayan Board Member Atty. Romeo Garcia sa pakikipag-ugnayan nya kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr.

Sa isinagawang programa ay pinangunahan ni Santa Ana Municipal Mayor Nelson Robinion ang pasasalamat at pagpapahayag ng suporta sa TGP Partylist. Ang distribution ay pinangasiwaan ng DSWD FO2 SWAD Cagayan.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Financial Assistance sa Santa Teresita, Cagayan

Nagmula sa iba’t ibang hanay ng komunidad sa Santa Teresita, Cagayan ang mga naging beneficiaries sa ginanap na distribution of financial assistance na hatid ng TGP Partylist. Ito ay naisagawa sa masugid na pakikipag-ugnayan nina Cagayan Board Member Atty. Romeo Garcia at Santa Teresita Councilor Desiree Garcia-Dinulong sa ating TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. Labis ang pasasalamat ng mga nakatanggap na kinabibilangan ng mga senior citizens, solo parents, PWDs, mga magsasaka at iba pang vulnerable sectors ng bayan. Ang distribution ay pinangasiwaan ng DSWD FO2 SWAD Cagayan.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Financial Assistance sa Cagayan Valley

Mga kapatid naman natin sa Cagayan Valley ang pinuntahan ng TGP Partylist para sa distribution of financial assistance. Sa kanyang mensahe ay ipinaabot ni TGP Partylist Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. ang kanyang pangungumusta at hangaring makapagpadala ng tulong sa abot ng kanyang makakaya. Isinagawa ang aktibidad sa bayan ng Solana, Cagayan sa ilalim ng pangangasiwa ng DSWD FO2 SWAD Cagayan.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Financial Assistance sa Zamboanga City

Zamboanga City naman ang naging destinasyon ng ating TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. nung July 5, 2023 kung saan siya ay masayang sinalubong ng ating mga brod at sis sa ginanap na distribution of financial assistance. Ito ay inisyatibo ni Sis Hon. Vice-Mayor PinPin Pareja kasama si Zamboanga City Mayor John Dalipe. Mahigit na 500 miyembro ng ating kapatiran ang naging beneficiaries sa pamamahagi na pinangasiwaan ng DSWD F09 – Zamboanga City. Sa kabila ng kanyang busy schedule ay pinili ng ating representante na dumalo sa aktibidad upang personal na ding makasalamuha at makumusta ang ating mga brod at sis sa siyudad.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Inauguration ng TGP Multi-Purpose Hall

Sa pagbisita ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa Lanao Del Sur nitong nakaraang linggo ay isinabay na din ang Inauguration ng TGP Multi-Purpose Hall na itinayo sa bayan ng Saguiaran, Lanao Del Sur. Ito ay dinaluhan ng mga kapatid nating Triskelion sa lugar sa pangunguna ni Brod. Sultan Jherry Laut.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr