Ang TGP Party-List, sa pamumuno ni Cong. Bong Teves Jr., ay nakipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development – DSWD at kay Cong. John Tracy Fortich Cagas para sa payout distribution ng 500 benepisyaryo ng AKAP (Ayuda sa Kapos at Kita Program) sa Digos City, Davao.
Maraming salamat sa mga benepisyaryo sa inyong tiwala at mainit na pagtanggap. Kami po sa TGP Party-List ay patuloy na sumusuporta sa Talino at Galing ng masisigasig na Pilipino
Kahapon, Nobyembre 11, 2024, nakibahagi si Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. sa 19th Congress, 3rd Regular Session sa plenaryo.
Patuloy ang kanyang pagsusumikap na maglingkod at makipag-ugnayan sa kapwa mambabatas para talakayin ang mga batas na makakatulong sa bawat Pilipino—mula sa kalikasan at kabataan hanggang sa kalusugan ng komunidad. #TGP23#TGPPartyList#TGPPartylistCareProgram#BagongPilipinas
Patuloy ang TGP Party-List sa malawakang relief distribution activities sa Quezon City!
Noong Setyembre, sa pangunguna ni Cong. Bong Teves Jr. at sa pag-representa ni TGP Party-List Trustee at Philippine Red Cross Governor Jenni Munar, nakapag-abot tayo ng tulong sa 1,100 pamilya mula sa iba’t ibang barangay. Maraming salamat kina Kap. Ronald Tagle, Brod. Renie Tagura, Kap. Niña Bersamira De Jesus, at Atorni Tope Liquigan at iba pang opisyal na tumulong sa pagbabahagi ng mga Department of Social Welfare and Development – DSWD relief packs sa mga naapektuhan ng baha at bagyo.
Ang TGP Party-List ay nananatiling kasama ninyo, handang maglingkod at tumulong sa bawat Pilipino.
Patuloy ang ating pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine! Nagtungo kamakailan ang TGP Party-List sa Magdalena, Laguna upang maghatid ng 1,500 rice packs para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyo noong nakaraang buwan. Salamat kay MAYOR Pedro Peter Bucal sa inyong suporta kaya mas mabilis naming naipamahagi ang tulong sa mga nangangailangan. Salamat din sa mga residente ng Magdalena sa mainit na pagtanggap! Salamat din sa ating partner and volunteers mula sa Tau Gamma Phi/ Tau Gamma Sigma Laguna Provincial Council.
Ang TGP Party-List, sa pangunguna ni Cong. Bong Teves Jr., ay patuloy na makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at ahensya para karagdagang tulong sa mga apektado ng bagyo!
Isang malaking tagumpay para sa seguridad, kabuhayan, at kalikasan ng ating bansa ang pagsasabatas ng Philippines Maritime Zone Act (R.A. 12064) at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (R.A. 12065)! Mapalad ang TGP Party-List at si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. na masaksihan ang ceremonial signing nito.
Ang Philippine Maritime Zones Act (R.A. 12064) ay nagtatakda ng hangganan ng ating mga karagatan at tinutukoy ang ating mga karapatan sa mga yamang-dagat. Alinsunod ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Mas pinagtitibay nito ang ating pag-angkin sa West Philippine Sea—isang hakbang para mapangalagaan ang kabuhayan ng mga mangingisda at matiyak ang proteksyon sa likas-yaman ng ating bansa.
Ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (R.A. 12065) naman ay nagtatakda ng ligtas na ruta sa ating karagatan at himpapawid, nang hindi sinasakripisyo ang ating seguridad at kalikasan. Pinapalakas nito ang ating kapasidad na pamahalaan ang ating karagatan at nagbibigay ng daan sa mas maayos na ugnayan sa ibang bansa.
Maraming salamat kay Pangulong Bongbong Marcos at sa ating mga kasamahan sa Senate of the Philippines at House of Representatives of the Philippines sa pag-pasa ng batas na ito. Patuloy ang TGP Party-List sa pag-suporta sa layuning ng gobyerno tungo pangangalaga ng ating kalikasan at pag protekta ng ating karagatan para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon! #TGP23#TGPPartylist#TGPParaSaKalikasan#BagongPilipinas#AtinAngWestPhilippineSea
Isa nanamang mahalagang batas ang naipasa sa tulong ng TGP Party-List! Isa si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa mga may-akda ng bagong batas na Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act o R.A. 12063, na pinirmahan na ng Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw.
Layunin ng batas na ito na tugunan ang skills mismatch sa pagitan ng mga kailangan ng trabaho at mga kasanayan ng ating kabataang nasa kolehiyo at mga manggagawa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa skills training, magiging mas handa at may kakayahan nila na makahanap ng trabaho at sumabay sa mga pangangailangan ng nagbabago at modernong mundo.
Ang EBET Framework Act ay naglalayong magtatatag ng mga programa para sa career advancement at kasanayan sa mga in-demand na industiya. Sa tulong ng batas na ito, magiging mas abot-kamay ang pagsasanay at mas angkop sa tunay na pangangailangan ng mga pribadong kompanya.
Taos-pusong pasasalamat po sa mga kasamahan natin sa Senate of the Philippines at House of Representatives of the Philippines na nagkaisa para mai-pasa ang batas na ito. Isa itong malaking hakbang para sa ating adbokasiya sa kinabuaksan ng ating kabataan. Sama-sama tayo sumuporta sa Talino at Galing ng Kabataan at Manggawang Pinoy! #TGP23#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr#BagongPilipinas
Nagtungo ang TGP Party-List sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa Pangil, Laguna upang maghatid ng tulong sa 300 pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine sa pamamagitan ng rice packs. Maraming salamat sa koordinasyon at suporta mula sa tanggapan ni Councilor Rianne May Diaz! Lalo pa, malaking pasasalamat sa mga volunteers at co-organizers mula sa Tau Gamma Phi/Tau Gamma Sigma Laguna Provincial Council. Tuloy-tuloy po ang ating pag-abot ng tulong sa mga komunidad sa Laguna at sa iba pang probinsya sa buong bansa na tinamaan ng bagyong Kristine. #TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr#OperationTabang#TyphoonKristine
Marhay na araw Camarines Norte! Di po tayo tumitigil sa pag-tulong sa muling pagbangon ng Bicolandia. Ang TGP Party-List sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. at sa pakikipag-ugnayan sa Tau Gamma Phi/Tau Gamma Sigma Camarines Norte Provincial Council ay nag-sagawa ng relief operations sa iba’t ibang komunidad sa probinsiya. Namigay tayo ng relief packs, hot meals, at mga damit para sa mga nasalanta ng bagyo. Salamat sa dedikasyon ng kapatirang Tau Gamma para sa gawaing ito. Sama-sama tayong babangon! #TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr#OperationTabang#TyphoonKristine
Tuloy-tuloy ang TGP Party-List, sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., sa pagtulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine. Nitong Sabado, October 26, nagtungo kami sa Paete, Laguna upang makapagbahagi ng rice packs sa 600 na benepisyaryo.
Lahat ng ito ay naisakatuparan sa tulong ng ating lokal na katuwang. Maraming salamat kina Chairman Jeffrey Taladtad, Councilor Anna Patricia Adefuin Adao at sa mga volunteers mula sa Tau Gamma Phi/Tau Gamma Sigma Laguna Provincial Council na tumulong sa organisasyon ng relief operation na ito. Hindi titigil ang TGP Party-List sa pagbibigay ng suporta sa mga kababayan nating nangangailangan, lalo na sa mga nasalanta ng bagyo. Kasama ninyo kami sa muling pag-bangon!
Tulong na handog para sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine sa Luzon! Ang TGP Party-List sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. ay napa-abot ng tulong sa 600 residente ng Pagsanjan, Laguna.
Salamat po sa inyong mainit na pagtanggap! At, maraming salamat din po sa aming mga local partners. Kasama po dito ang Tau Gamma Phi / Tau Gamma Sigma Laguna Provincial Council at ang mga lokal na opisyal ng pagsanjan na katuwang namin sa pag-organisa.