Agarang tulong ang ipinadala ng TGP Party-List at ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. para sa mga kababayan natin sa Caramoran, Catanduanes na nasalanta ng buhawi dala ng bagyong Kristine. Nagpadala tayo ng construction materials upang matulungan ang mga residente na muling maitayo ang kanilang mga nasirang tahanan, pati na rin ng relief goods para siguraduhing may sapat na pagkain ang mga apektadong pamilya. Nagpapasalamat kami sa pakikipag-ugnayan ng opisina ni Mayor Sammy Laynes at ng Catanduanes Contractors Association. Patuloy ang ating pagtulong sa Bicolandia para sa tuluy-tuloy na pagbangon mula sa hagupit ng kalikasan. #TGPPartylist #TGPPartylistCareProgram #CongBongTevesJr #OperationTabang #TyphoonKristine
Marhay na salamat sa mga tugang ta sa Tau Gamma Phi asin Tau Gamma Sigma TGP Albay Provincial Council
Marhay na salamat sa mga tugang ta sa Tau Gamma Phi asin Tau Gamma Sigma TGP Albay Provincial Council! Katuwang ng TGP Party-List sa agarang pag-abot ng tulong sa mga kababayan natin sa Bicolandia na nasalanta ng bagyong Kristine. Ang Operation Tabang na inorganisa natin at ng ating partners ay umpisa pa lamang ng mabilisang aksyon para maabot ang mga pinaka-apektado ng bagyo. Lahat ay gagawin namin upang makapagparating pa ng mas maraming tulong sa mga susunod na araw. Kasama ninyo kaming babangon at susuporta para sa muling pag-angat ng Bicolandia mula sa hamon ng bagyo. #TGPPartyList #TGPPartylistCareProgram #CongBongTevesJr #OperationTabang #TyphoonKristine
Opisyal na! Handang-handa na ang TGP Party-List para sa May 2025!
Opisyal na! Handang-handa na ang TGP Party-List para sa May 2025! Tandaan po, para sa Talino at Galing ng Pinoy, No. 23 ang TGP Party-List. Samahan po natin si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa tuloy-tuloy na pagsulong ng mga programang pangkalusugan, kabataan, at kalikasan. #TGPPartyList #No23SaBalota #KalusuganKabataanKalikasan
Hindi Tumigil ang TGP Partylist Representatives sa Pag-ikot at Pakikipag-ugnayan
Sa kabila ng mga bagyo at habagat na tumama sa atin noong nakaraang buwan, hindi tumigil ang TGP Party-List Representatives sa pag-ikot at pakikipag-ugnayan para makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Dahil sa tulong ng ating mga partners sa DSWD, nahatiran natin ng 2,000 relief packs ang mga benepisyaryo mula Muntinlupa. Salamat po kay Kapitan Gerry Teves ng Barangay Putatan at sa Muntinlupa Triskelion Council sa inyong pag-oorganisa at suporta!
Kasama sa paghatid ng tulong sina Atty. Jim Villanueva, Presidente ng TGP Party-List, 2nd Nominee Engr. Aaron Carlo Dy Cabrera at TGP Party-List Board of Trustee Atty. Glenn Albano. Patuloy po ang TGP sa paglilingkod para sa ating mga kababayan! #TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr
Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program
Nakapag-abot po ang TGP Party-List ng tulong sa 300 solo parents sa Honorato V. Galvez Gymnasium, Poblacion, San Ildefonso, Bulacan, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development – DSWD sa kanilang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program(AKAP Assistance Program)
Ang ating layunin ay maghatid ng tulong sa mga solo parents, na alam nating may mga hamon sa buhay. Nakipagtulungan tayo kay Konsehal Teemee Miguel, Konsehal Andrea Duran at kay Ms. Glane Ortega Pangulo ng Federasyon ng Solo Parents, na nagbigay ng mahalagang suporta para sa matagumpay na programa.
Salamat din kay Mayor Gazo Galvez at former Municipal Administrator Mommy Chariz sa kanilang suporta at sa paghandog ng munting salu-salo para sa lahat ng dumalo.
Patuloy po ang TGP sa pagsuporta sa Talino at Galing ng mga Pinoy solo parents! Nandito kami para sa inyo, hindi kayo nag-iisa sa laban na ito! #TGPPartylist#CongBongTevesJr#TGPParaSaSoloParents
Dakulang Pasasalamat
Dakulang pasasalamat tabi, mga Sorsoganon sa mainit na pag-sabat sa samuyang grupo!
Personal na nagtungo si Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Cong. Jose Bong Teves Jr. upang pangunahan ang Ground Breaking Ceremony ng isang 2-story, 10-classroom building sa Faustino G. Glua High School sa Barangay Otavi, Bulan, Sorsogon noong Oktubre 11, 2024. Ang proyektong ito ay pinondohan ng TGP Party-List sa pakikipagtulungan sa opisina ni Cong. Wowo Fortes ng 2nd District ng Sorsogon. Layon natin na mag-bigay ng mas maayos na pasilidad para sa libu-libong kabataang Sorsoganon.
Hindi magiging posible ang proyektong ito kung wala ang suporta at kooperasyon ng opisina ni Cong. Wowo Fortes, ng Department of Education, mga Barangay Council ng Otavi, at General Parents Teachers Association. Maraming, maraming salamat po sa inyong tulong!
Labis ang pasasalamat ni Cong. Wowo Fortes sa TGP Party-List at kay Cong. Bong Teves dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta sa edukasyon sa Sorsogon. Ang proyektong ito ay patunay ng kanilang dedikasyon sa paghubog ng kabataang Pilipino. Bahagi ito ng patuloy na pagsuporta ng TGP sa Talino at Galing ng Kabataang Pinoy.
Mula noon hanggang ngayon, palaging nariyan ang TGP para sa kabataan. Si Cong. Bong Teves Jr. ay aktibong miyembro ng House Committee on Youth and Sports, at sa 121 na mga panukalang batas na kanyang isinulong, karamihan ay nakatuon sa mga programa at pondo para sa edukasyon at kabataan. Asahan niyo po na magpapatuloy kami sa pagsuporta sa pagbuo ng mas maganda at Bagong Pilipinas para sa kabataan! #TGPPartylist#TGPPartylistCares#CongBongTevesJr#BagongPilipinas
Maraming Salamat sa Aming Mga Tagasuporta
Maraming salamat sa aming mga tagasuporta, lalo na sa ating mga kaibigan mula sa Media, sa pagtutok sa aming paghahain ng CONA at sa pagpapakita ng suporta ng ating mga kababayan. Patuloy ang aming hangarin na maglingkod sa inyo para sa ikatlong termino at itaguyod ang mga programang para sa kalusugan, kabataan, at kalikasan. Salamat sa inyong walang sawang tiwala! Samahan niyo po kami hanggang Mayo 2025. #TGPPartyList#CongBongTevesJr
by BHTV News Philippines Eurotv News
Salamat kay Mayor Alberto Reyes at sa mga Opisyales ng Municipality of Mabitac
Salamat kay Mayor Alberto Reyes at sa mga opisyales ng Municipality of Mabitac sa inyong suporta sa TGP Party-List! Tuloy-tuloy ang ating pagtulong sa inyong bayan. Salamat sa pag-tanggap ng mga 400 food packs at patient transport vehicle na naibigay mula sa ating pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development – DSWD at Philippine Charity Sweepstakes Office. Lahat ng ito bahagi ng commitment ng TGP Party-List na mas mapabuti ang kalusugan at kabuhayan ng ating mga kababayan.
Mobile Clinic ng TGP Party-List
Sa mga kababayan natin sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya, excited kaming ihandog ang Mobile Clinic ng TGP Party-List ! Ang programang ito ay bahagi ng ating commitment na magbigay ng health services sa mas maraming Pilipino. Kasama sina Councilor Raffy “Apiong” Dela Pena at Councilor Allen Tan, sama-sama tayong tumutugon sa panawagan ni President Bongbong Marcos para sa #BagongPilipinas #TGPPartylist #CongBongTevesJr
Inihain na nga po ng TGP Party-List ang aming Certificate of Nomination and Acceptance (CONA)
Inihain na nga po ng TGP Party-List ang aming Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa Manila Hotel! Sama-sama po nating ipagpatuloy ang magagandang proyekto at adbokasiya ng nakaraang dalawang termino.
Kasama natin sa filing of CONA sila Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., 2nd Nominee Engr. Aaron Carlo Dy Cabrera,TGP Party-List Trustee at Philippine Red Cross Governor Jenni Munar at TGP Party-List President Atty. Jeremiah Villanueva. Kasama natin silang nakatuon sa mga proyektong makakaapekto sa kabataan, kalusugan, at kalikasan.
Magpapatuloy kami sa pag-susumikap na magbibigay ng serbisyong susuporta sa Talino at Galing ng Pilipino. Salamat sa inyong suporta at sana ay samahan niyo kami sa pag-sulong ng partido sa May 2025 elections! #TGPPartyList#KabataanKalusuganKalikasan