Isang Makasaysayang Araw Para sa Concepcion, Tarlac!

Isang makasaysayang araw para sa Concepcion, Tarlac! Dumalo si TGP Partylist Representative, Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa Blessing at Inauguration ng Concepcion Municipal Government Center sa paanyaya ni Mayor Noel Villanueva. Nakasama rin sina Cong. Bong Rivera (3rd District), Cong. Christian Yap (2nd District), at Tarlac Governor Susan Yap sa mahalagang okasyong ito. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Concepcion, Tarlac!

Patuloy na magiging kaisa at kasama ninyo ang TGP Party-List sa adbokasiyang pangkalusugan. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino—dahil ligtas at murang gamot ang kailangan!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Triskelion Leaders ang Nagtipon Para sa TGP Partylist

Mahigit 500 lider mula sa Malolos, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan, at Bulakan kasama ang Triskelion leaders ang nagtipon para sa TGP Partylist Leaders Meeting sa Unang Distrito ng Bulacan. Pinangunahan ito ng ating local partner na si Bokal Noel Sacay na dinaluhan ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. upang pag-usapan ang mga programa para sa ligtas at murang gamot, de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, at iba pang adbokasiya ng TGP Party-List.

Patuloy nating isusulong ang Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan! Sama-sama nating itaguyod ang serbisyong tunay na para sa lahat. No. 23 sa balota—TGP Party-List, atin ‘to!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Matagumpay na Nagtipon ang Higit 500 na Lider mula sa District 6, Bulacan

Matagumpay na nagtipon ang higit 500 na lider mula sa District 6, Bulacan kasama ang local partner na si Bokal Marisa Teodoro Tuazon at mga Triskelion Leaders mula sa Bayan ng Sta. Maria, Norzagaray, at Angat. Dumalo si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. upang pagtibayin ang pagkakaisa para sa mas ligtas at abot-kayang gamot, pati na rin ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.

Patuloy nating suportahan ang adhikain ng TGP Partylist! Ating muling ihalal—No. 23 sa balota, TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming Salamat, Parañaque!

Maraming salamat, Parañaque! Isang makabuluhang consultative meeting ang ating naidaos. Salamat sa pakikiisa at malasakit para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Maraming salamat din, Councilor Raffy “Apiong” Dela Pena! Lubos ang pasasalamat ng TGP Party-List sa inyong walang-sawang suporta at pakikiisa sa aming adbokasiya. Tunay namin kayong naging katuwang sa pagtataguyod ng mga programang tunay na mahalaga—para sa kalusugan, kabuhayan, at kapakanan ng bawat Pilipino. Dama po namin ang inyong mainit na pagtanggap at buong pusong suporta sa TGP Party-List. Maraming salamat po!

𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐚-𝐓𝐆𝐏 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝟐 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐚ñ𝐚𝐪𝐮𝐞, 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧:

📌 #𝟐𝟑 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐨𝐭𝐚 – 𝐓𝐆𝐏 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲-𝐋𝐢𝐬𝐭

📌 #𝟒 𝐬𝐢 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐑𝐚𝐟𝐟𝐲 𝐀𝐩𝐢𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐥𝐚 𝐏𝐞ñ𝐚

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr#RaffyApiongDelaPeña

Maligayang Pagdiriwang ng Eid al-Fitr sa ating mga Kapatid na Muslim!

Maligayang pagdiriwang ng Eid al-Fitr sa ating mga kapatid na Muslim! 

Nawa’y maging makabuluhan ang araw na ito ng pagpapatawad, pasasalamat, at pagbibigayan—isang paalala ng pagkakaisa at pananampalataya.

Mula sa #23 TGP Party-List, hangad namin ang kapayapaan, kasaganaan, at kaligayahan para sa inyo at sa inyong mga pamilya.

Patuloy ang suporta ng #𝟐𝟑 𝐓𝐆𝐏 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲-𝐋𝐢𝐬𝐭

Patuloy ang suporta ng #𝟐𝟑 𝐓𝐆𝐏 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲-𝐋𝐢𝐬𝐭 sa mga programang nagpapalakas ng kabataan lalo na sa edukasyon at sports.

Kamakailan, nakibahagi tayo sa San Ildefonso Triskelion Council Inter-Chapter Basketball League Opening kung saan 30 teams ang nagtunggali—isang patunay na buhay na buhay ang kabataang Bulakenyo!

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng ating Brod at Council Chairman JR Irabagon, kasama si San Rafael Mayor Mark Cholo Violago na kaisa natin sa adbokasiyang ito para sa kabataan.

Mga ka-TGP sa ikatlong distrito ng Bulacan, suportahan natin si 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐂𝐡𝐨𝐥𝐨 𝐕𝐢𝐨𝐥𝐚𝐠𝐨, 𝐧𝐚 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐤𝐛𝐨 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝟑𝐫𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧—𝐚𝐭 𝐬𝐢𝐲𝐞𝐦𝐩𝐫𝐞, 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐦𝐮𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 #𝟐𝟑 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐨𝐭𝐚: 𝐓𝐆𝐏 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲-𝐋𝐢𝐬𝐭!

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Consultative Meeting ang Ginanap sa Sports Complex, Taytay, Rizal

Isang makabuluhang TGP Partylist Consultative Meeting ang ginanap sa Sports Complex, Taytay, Rizal, kung saan nakasama ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sina Founding Fathers Roy Alolor Ordinario at Atty. Talek J. Pablo, Taytay Mayor Allan De Leon, Councilor Diño Tak, Board Member Jun Cabitac, Councilor Brod. JV Cabitac, dating Councilor Brod. Kiko Esguerra, at kandidato sa pagka-konsehal na si JV Valera. Dumalo rin ang iba’t ibang Triskelion Leaders mula sa iba’t ibang konseho upang pag-usapan ang mahahalagang adbokasiya ng samahan.

Patuloy na isinusulong ng TGP Party-List ang mga programang may malasakit sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan. Kasama ang bawat Pilipino sa adhikain para sa ligtas at murang gamot! Sa darating na eleksyon, muling suportahan ang TGP Party-List—No. 23 sa balota!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Salamat District 3 Laguna

𝐋𝐮𝐛𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐃𝐞𝐩𝐮𝐭𝐲 𝐌𝐚𝐣𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐭 𝐓𝐆𝐏 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲-𝐋𝐢𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 “𝐁𝐨𝐧𝐠” 𝐉. 𝐓𝐞𝐯𝐞𝐬, 𝐉𝐫. 𝐤𝐢𝐧𝐚 Congressman Amben Amante Updates 𝐧𝐠 𝟑𝐫𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚, 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧, 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥𝐞𝐬, 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐜𝐚𝐫𝐥𝐚𝐧, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠 𝐞𝐧𝐝𝐨𝐫𝐬𝐨 𝐬𝐚 #𝟐𝟑 𝐓𝐆𝐏 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲-𝐋𝐢𝐬𝐭 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧.

Sa maraming pagkakataon, magkasama nating naisakatuparan ang mga proyektong nagsusulong ng Talino at Galing ng Pilipino. Matagal na namin kayong kasama sa pagbababa ng mga programa para sa mga lokal na komunidad lalo na sa bayan ng Nagcarlan, Laguna. Ang TGP Party-List ay patuloy ding sumusuporta sa inyong mga inisyatibo at tapat na serbisyo sa bayan.

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Consultative Meeting sa Quezon Province

Matagumpay na TGP Partylist Consultative Meeting ang isinagawa sa Quezon Province, sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. Nakipagpulong siya sa iba’t ibang Tau Gamma Phi at Tau Gamma Sigma Councils at leaders sa probinsya ng Quezon.

Pinangunahan ang programa nina GovGen Bokal Christian Alcala, Calabarzon GenSec Caloy Ponce, at Lady GovGen Jho Gaufo kasama ang iba’t ibang Council at organisasyon sa Quezon Province. Patuloy ang pag-iikot ng TGP Party-List sa iba’t ibang lugar upang maihatid ang mga programa kagaya ng ligtas at murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.

Kaya sa darating na halalan, No. 23 sa balota, TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Ground-Breaking Ceremony ng Labo Multi-Purpose Hall

Pinangunahan ni Cong. Bong Teves Jr. ang ground-breaking ceremony ng Labo Multi-purpose Hall! Maraming salamat sa lokal na pamahalaan ng Labo, Camarines Norte sa inyong walang-sawang suporta.

Kami po ay lubos na nagagalak sa pagsisimula ng proyektong ito. Isang pasilidad na tiyak na magagamit ng buong komunidad, lalo na para sa mga pagtitipon at mahahalagang gawain. Ang mga ganitong gusali at proyekto ay magiging sentro ng mga gawain para sa mas mabuting kalusugan ng bawat Pilipino, oras na ito’y matapos.

Sana po ay samahan niyo pa rin kami hanggang Mayo 2025, para maipagpatuloy natin ang pagsusulong at pagsasabatas ng mga programang magdadala ng mura at ligtas na gamot, at dekalidad na libreng serbisyong medikal.

#23 TGP Party-List sa balota — para sa Kalusugan ng Pamilyang Pilipino! ✅

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr