Maraming Salamat, Mayor Lem Faustino ng Calumpit, Bulacan

Maraming salamat, Mayor Lem Faustino ng Calumpit, Bulacan, sa pagkakataong makausap at marinig ang boses ng ating kabataan.

Sa TGP Party-List, naniniwala kami sa Talino at Galing ng Kabataang Pilipino. Kaya patuloy nating isusulong ang mga programang pang-edukasyon at pang-sports na magpapalakas sa kanilang kakayahan at maghahanda sa kanilang kinabukasan. Dahil kapag ang kabataan ay may sapat na suporta, ang buong bayan ay aangat!

Lubos ang aming pasasalamat sa inyong pakikiisa at matibay na partnership, Brod. at Konsehal Carlo Candelaria, District 1 Board Member Noel Sacay, at Calumpit Triskelion Council (Calumpit Triskelions) sa pamumuno ni Chairman Lester Mendoza. Ang inyong malasakit at suporta ay malaking hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan para sa ating kabataan.

Sama-sama nating ipaglaban ang mas maliwanag na hinaharap para sa susunod na henerasyon!

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Dalawang Termino ng Puspusang Serbisyo at Handa na po ang TGP Party-List

Dalawang termino ng puspusang serbisyo at handa na po ang TGP Party-List para sa ikatlong termino! Mula sa direktang pagtulong sa libu-libong Pilipino, pagsusulong ng mahahalagang panukalang batas, hanggang sa pagsigurong may tunay na epekto ang ating mga ipinaglalaban.

Ang TGP Party-List ay nanindigan, kumilos, at handang ipagpatuloy ang laban para sa kalusugan, kabataan, at kalikasan.

📌 180,000 Pilipino ang natulungan sa medical at burial assistance noong 2024

📌 362 panukalang batas ang isinulong mula 2019 hanggang ngayon

📌 Mga batas na nagbibigay ng proteksyon at oportunidad sa ating mga marino, magsasaka, kabataan, at pamilyang Pilipino

📌 Patuloy nating isinusulong ang mas murang gamot, mas mabilis na internet, dagdag sahod, at mas malawak na PhilHealth coverage

Ginawa natin ang ating mandato at handa tayong ipagpatuloy ang pag-sulong ng mga solusyon para sa bawat Pilipino!

🗳️ Samahan niyo kami sa Mayo. Ituloy natin ang nasimulan! Vote #23 TGP Party-List!

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Damang-dama ang Suporta at Tiwala ng mga Taga-Parañaque

Damang-dama ang suporta at tiwala ng mga taga-Parañaque sa TGP Partylist! Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., kasama si City Councilor Raffy “Apiong” Dela Pena. Patuloy nating isusulong ang abot-kayang gamot para sa bawat Pilipino!

Muling ihalal at suportahan ang TGP Party-List—No. 23 sa balota! Sama-sama nating ipaglaban ang ligtas at murang gamot para sa lahat!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Daghang Salamat, Davao!

Daghang Salamat, Davao!

Matibay at nagkakaisa! Isang matagumpay na consultative meeting ang isinagawa ng TGP Partylist kasama ang Mindanao Triskelion Leaders ng Davao Region XI sa Davao City. Pinangunahan ito ng Davao City Triskelion Council, kung saan muling pinagtibay ang suporta ng ating mga Kapatid na Triskelion para sa TGP Party-List at kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. kasama si Sultan Jherry Laut bilang isa sa mga nominee ng TGP Party-List.

Patuloy nating isulong ang Ligtas at Murang Gamot para sa lahat! Sama-sama nating ipaglaban ang mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. Huwag kalimutan, #23 sa balota – TGP Party-List! Atin ito!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Matagumpay na Naisagawa ang Isang Binyagang Bayan

Sa pangunguna ni Bokal Kat Hernandez ng Bulacan District 4, matagumpay na naisagawa ang isang Binyagang Bayan na ginanap sa Loma De Gato, Marilao, Bulacan. Kasama ang TGP Partylist, naging makabuluhan ang pagtitipon kung saan 110 na mga batang Marileño ang opisyal na tinanggap ang pananampalatayang Kristiyano.

Ang TGP Party-List at si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. ay taos-pusong nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa TGP Party-List ng mga Marileño! Patuloy nating pagsusumikapang maging katuwang sa mga programang pang-komunidad na nagdadala ng saya at pagpapala sa bawat pamilyang Pilipino.

Para sa ligtas at murang gamot na abot-kamay ng bawat Pilipino, muli nating ihalal ang TGP Party-List, No. 23 sa balota!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming Salamat sa Imbitasyon, Project 4 Triskelion Sector

Maraming salamat sa imbitasyon, Project 4 Triskelion Sector para sa inyong ika-20 anibersaryo! Ramdam ang init ng suporta para sa TGP Partylist mula sa ating mga kapatid—isang patunay na iisa ang ating adhikain para sa mas magandang kinabukasan.

Para sa ligtas at murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, atin pong muling suportahan ang TGP Party-List! Tandaan sa darating na halalan, No. 23 sa Balota—TGP Party-List, atin ‘to!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maligayang Pagbati ng Araw ng Mga Kababaihan

Maligayang Pagbati ng Araw ng Mga Kababaihan mula sa amin sa TGP Party-List! 

💜

 Ang mga kababaihang Pilipino ay hindi lang inspirasyon, sila ang nag-aaruga, gumagabay, at nagsisigurong may maayos na bukas ang susunod na henerasyon. Sa kanilang pagmamalasakit at kasipagan, naitataguyod nila ang mga pamilya at ang ating lipunan.

Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kanilang di matatawarang kontribusyon. Patuloy nating pinapakinggan ang kanilang pangangailangan. Kaya’t sa TGP Party-List, isinusulong natin ang mga hakbang na magbibigay sa kanila ng suporta. Tulad ng HB 1141 na nagpapalawak ng maternity benefits para sa indigent patients at HB 11376 na naglalayong magbigay ng dagdag na sahod sa mga pribadong empleyado, kabilang ang maraming kababaihang manggagawa.

Ang pag-aalaga sa kababaihan ay pag-aalaga rin sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

Sama-sama para sa mas maunlad na kinabukasan! #23 sa Balota – TGP Party-List! 

🗳

#TGP23#TGPpartylist#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr#ForAllWomenAndGirls#WEcanbeEquALL

Maraming Salamat, Payatas Triskelion Sector,

Maraming salamat, Payatas Triskelion Sector, sa inyong mainit na pagtanggap at masayang pagdiriwang! Ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng pagkakaisa at suporta sa isa’t isa.

Kasama ninyo ang TGP Partylist sa pagsusulong ng ligtas at murang gamot, at maayos na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Atin muling suportahan, No. 23 sa balota—TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming salamat, Triskelion de Bataan Provincial Council

Maraming salamat, Triskelion de Bataan Provincial Council sa inyong imbitasyon at mainit na pagtanggap sa TGP Partylist at kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa pagdiriwang ng ika-18 taong anibersaryo ng pagkakaisa at paglilingkod sa Lalawigan ng Bataan, kasama ang ating mga Provincial Council Leaders.

Patuloy nating isulong ang ligtas at murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Bataeño, at sa bawat Pilipino. Sa darating na halalan, muli nating suportahan—No. 23 sa Balota, TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Ika-21 Anibersaryo ng Sta. Maria, Bulacan Triskelion Council!

Mainit na suporta ang ipinaramdan para sa TGP Partylist sa ika-21 Anibersaryo ng Sta. Maria, Bulacan Triskelion Council! Kasama ang ating lokal na partner sa ika-6 District ng Bulacan, Bokal Marisa Teodoro Tuazon, patuloy nating isinusulong ang adbokasiya para sa Ligtas at Murang Gamot para sa bawat Pilipino.

Sa darating na halalan, sama-sama nating ipaglaban ang serbisyong tunay na para sa tao! Muling ihalal ang No. 23 sa balota—TGP Party-List!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr