Maraming, maraming salamat kay former Councilor Roselle Nava Tan at Councilor Allen Tan sa kanilang tiwala at suporta sa TGP Party-List. Sa loob ng ilang taon, sila ay aming naging kaagapay sa pagbibigay ng suporta sa kalusugan, kalikasan, at kabataan, mga sektor na sama-sama nating tinutulungan at tinutugunan. Tunay nating silang kaisa sa mga layunin ng tapat at taos-pusong paglilingkod. Muli, maraming salamat sa inyong tiwala! Sama-sama tayo sa Mayo 2025. #23 sa balota, TGP Party-List!
Lubos ang pasasalamat namin sa Vizal Triskelion Chapter, Vizal, Sto. Niño, Candaba, Pampanga sa inyong pag-anyaya at mainit na pagtanggap sa TGP Partylist sa pagdiriwang ng inyong ika-2 taon Chapter Founding Anniversary! Ang inyong suporta ay patunay ng ating matibay na samahan at iisang adhikain para sa mas magandang kinabukasan.
Sa darating na halalan, sama-sama nating ipaglaban ang Ligtas at Murang Gamot para sa bawat Pilipino! Suportahan natin ang #23 sa balota – TGP Party-List! Para sa mas abot-kayang gamot at serbisyong pangkalusugan para sa lahat, TGP Party-List, Atin ‘To!
Dumalo si TGP Partylist at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. kasama si Virac Mayor Sammy Laynes sa pagbubukas ng Blood Bank ng Catanduanes Doctors Hospital Incorporated (CDHI) kahapon, Pebrero 14. Isang malaking hakbang ito para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan, na magpapabilis sa pagkuha ng dugo para sa mga emergency at iba pang medical procedures.
Sa darating na halalan, ipagpatuloy natin ang pagkakaisa para sa mas maunlad at mas ligtas na Catanduanes at sa buong Pilipinas. Suportahan natin ang #23 sa balota – TGP Party-List, para maipagpatuloy ang tunay at tapat na serbisyong may malasakit para sa bawat Pilipino! Makiisa rin sa regular na blood donation drives at maging volunteer blood donor sa CDHI Blood Bank!
Mainit na pagtanggap at suporta ang ipinakita kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., at sa TGP Partylist sa ginawang house-to-house campaign sa Probinsya ng Catanduanes. Bilang dating Mayor ng Baras at Vice Governor ng Catanduanes, patuloy na naglilingkod si Cong. Bong Teves Jr. upang matugunan ang pangangailangan ng mga Catandunganon. Sa pangunguna ng TGP Party-List, isinusulong ang mas mura at ligtas na gamot, mas maayos na serbisyong pangkalusugan, at mas maraming oportunidad para sa lahat.
Sa darating na halalan, ipagpatuloy natin ang pagkakaisa para sa mas maunlad at mas ligtas na Catanduanes at sa buong Pilipinas. Suportahan natin ang #23 sa balota – TGP Party-List, para maipagpatuloy ang tunay at tapat na serbisyong may malasakit para sa bawat Catandunganon at bawat Pilipino.
Maraming salamat sa Taguig Triskelion Council at Cluster 1 sa inyong mainit na pagtanggap at suporta sa TGP Party-List! Ang inyong pakikiisa ay patunay ng ating iisang layunin—isang mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Pilipino.
Kasama ninyo kami sa pagsusulong ng mga batas na may malasakit—para sa ligtas at murang gamot, de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, at mas maunlad na kinabukasan. Sa darating na halalan, #23 sa balota – TGP Party-List! Ipaglaban natin ang serbisyong tapat at para sa lahat!
Sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., ang TGP Party-List ay naghatid ng 2,000 rice packs sa Valenzuela City.
Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Valenzuela! Sana sa munting handog na ito ay naramdaman ninyo ang aming malasakit at ang alagang TGP. Patuloy kaming magsisikap na maabot ang mas marami pang nangangailangan. Sama-sama po tayo sa Mayo sa pag-suporta sa Talino at Galing ng Pilipino!
Balik-tanaw sa ating pinagmulan! Isang makabuluhang re-orientation program ang isinagawa sa Zamboanga Sibugay na may temang “A Reflective Journey Back to Our Roots Since 1968.” Kasama si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., mainit tayong tinanggap ng Zamboanga Sibugay Grand Council, mga opisyal, at mga kapatid sa Tau Gamma Phi. Dumalo rin si Tau Gamma Phi Founding Father Talek Pablo at TGP Party-List Nominee at Mindanao Coordinator Sultan Jherry Laut.
Bukod sa re-orientation program, naging pagkakataon din ito para sa isang TGP Partylist Consultative Meeting upang pag-usapan ang iba’t ibang programa at tulong ng TGP Party-List, kabilang ang medical assistance, guarantee letters, burial assistance, educational assistance, at iba pang programang pang-gobyerno tulad ng DOH-MAIFIP, at DSWD-AICS. Patuloy tayong magsusulong ng mga serbisyong may malasakit para sa bayan at sa sambayanang Pilipino!
Maraming Salamat, Pateros Triskelion Council, sa pangunguna ni Chairman John Michael “Shai” Cuevas, sa mainit na pagtanggap sa inyong General Assembly at suporta sa TGP Partylist at kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr.. Ang inyong tiwala ay inspirasyon namin upang mas lalo pang paglingkuran ang ating mga kababayan.
Kasama ninyo kami sa pagsusulong ng serbisyong tapat at tunay sa bayan—Tunay na Gabay sa Pag-unlad!
Halos 200 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong sa Bayan ng Viga, Catanduanes ang mula sa Department of Labor and Employment – DOLE TUPAD sa pakikipag-ugnayan ng TGP Partylist at ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr.! Matagumpay na naipamahagi ang cash assistance bilang suporta sa ating mga kababayan sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan ng nasabing lugar.
Patuloy ang TGP Party-List sa pagbibigay ng oportunidad at tulong para sa bawat Pilipino.
Kasama ang bawat isa, magtutulungan tayo para sa mas magandang kinabukasan!
Sa gitna ng pagsubok na dulot ng sunog sa Old Balara, Quezon City, agad na nagpaabot ng 300 rice packs ang TGP Partylist at si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa mga pamilyang naapektuhan, katuwang ang Old Balara Sentro Community Chapter. Naihatid ang agarang suporta sa mga biktima.
Patuloy ang TGP Party-List sa pagsuporta sa mga nangangailangan, lalo na sa mga panahon ng matinding pagsubok. Sa bawat tulong na naibibigay, pinapatunayan nating walang maiiwan—sama-sama tayong babangon!