Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) Orientation

Matagumpay na isinagawa ang Department of Labor and Employment – DOLE Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) Orientation sa Lungsod ng San Pedro, Laguna para sa 2,300 Beneficiaries. Nakiisa at buong pusong sumuporta si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa programang ito na naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa ating mga kababayang nangangailangan.

Pinangunahan ang inisyatibong ito ni Deputy Speaker Congw. Camille Villar, kasama si Congw. Lani M. Revilla, sa distrito ni Congresswoman Ann Matibag. Patuloy ang pagsisikap ng TGP Partylist na makapaghatid ng tulong at oportunidad para sa mas maraming Pilipino!

#TGP23#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

TGP Party-List sa Ways and Means Committee

Noong Enero 27, nakibahagi si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. at ang TGP Party-List sa Ways and Means Committee meeting upang pag-usapan at balangkasin ang mga batas na may kinalaman sa buwis.

Tiniyak natin na ang bawat hakbang at desisyon ay nakatuon sa kapakanan ng mga Pilipino. Patuloy tayong makikibahagi para makabuo ng mga polisiyang magbibigay ng makatarungan at epektibong solusyon para sa ating bayan. Sana ay samahan niyo kami hanggang sa Mayo 2025 para maipagpatuloy ang ating magandang hangarin!

#TGP23#TGPpartylist#TGPpartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Maraming salamat, Brgy. Fairview, Quezon City!

Maraming salamat, Brgy. Fairview, Quezon City!

Dumalo si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni Brgy. Chairman Jonel L. Quebal kasama ang mga kawani ng barangay, sitio leaders, at volunteers. Bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap, namahagi ang TGP Partylist ng 2,000 rice packs para sa mga residente, lalo na sa ating mga Senior Citizens.

Patuloy na isinusulong ng TGP Party-List ang mga programang pangkalusugan, pangkabataan, at pangkalikasan sa tulong at suporta ninyo. Sama-sama nating isulong ang talino at galing ng Pilipino!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maayong Adlaw, Sugbo!

Maayong adlaw, Sugbo!

Ang TGP Party-List at si Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. ay buong pusong sumuporta sa makulay na pagdiriwang ng Sinulog Festival 2025! Pinangunahan ito ng Triskelion de Visayas, sa pamumuno ni TGP Party-List Visayas Coordinator at Nominee Jonas Ybañez para sa pagkakaisa ng mga kapatid sa nasabing selebrasyon.

Personal din na nakiisa si TGP Party-List 2nd Nominee, Engr. Aaron Cabrera sa kasiyahan upang ipakita ang suporta sa mga mananampalataya ng Señor Sto. Niño.

Pit Señor! Viva Sto. Niño!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Blessing at Inauguration ng bagong Multi-Purpose Building

Sa suporta ng TGP Party-List at ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., matagumpay na naisagawa ang Blessing at Inauguration ng bagong Multi-Purpose Building na magsisilbing bagong tanggapan ng DSWD sa Mabitac, Laguna. Ang makabuluhang araw na ito ay patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas magandang serbisyo para sa bawat mamamayan.

Sa pangunguna nina Mayor Alberto Reyes, Vice Mayor Ronald Sana, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay taong pusong nagpapasalamat sa TGP Partylist at kay Cong. Bong Joson Teves Jr. na naisakatuparan ang proyektong ito na magbibigay ng mas epektibong serbisyong panlipunan para sa Bayan ng Mabitac.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Isang Makasaysayang Araw Para sa Barangay Magsaysay, Siniloan, Laguna!

Isang makasaysayang araw para sa Barangay Magsaysay, Siniloan, Laguna! Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa bagong Multipurpose Hall Building na inisiyatibo ng TGP Partylist at ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr.

Kasama sina Vice Mayor Carla Valderrama at mga Sangguniang Bayan Members sa nasabing okasyon. Ito rin ang kauna-unahang proyektong imprastraktura sa Bayan ng Siniloan para sa taong 2025.

Lubos ang pasasalamat ng Bayan ng Siniloan lalo na ng Brgy. Magsaysay sa dedikasyon ni Cong. Bong Joson Teves Jr. at ng TGP Party-List sa pagtupad ng pangako para sa bayan ng Siniloan. Isa na namang hakbang tungo sa mas maunlad na komunidad para sa ating mga kababayan!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Personal na nagtungo si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., sa Sulucan, Brgy. 458, Sampaloc, Manila District 4

Personal na nagtungo si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., sa Sulucan, Brgy. 458, Sampaloc, Manila District 4 upang maghatid ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng naganap na sunog kamakailan. Kasama ang masipag na si Konsehala Eunice Castro, sila ay personal na naghatid at nag-abot ng tulong sa mga biktima ng sunog. Humigit kumulang 1,000 rice packs ang handog ng TGP Party-List at ni Cong. Bong J. Teves Jr. Naging katuwang din sa pamamahagi at pagtulong sina Kapitan Obet Flores at Kapitan Rom Acio.

Lubos din ang pasasalamat ng TGP Partylist sa Tau Gamma Phi/Tau Gamma Sigma Manila City Council sa kanilang suporta at mainit na pagtanggap sa TGP Party-List. Patuloy naming dadalhin ang malasakit at serbisyo sa bawat Pilipino. Sama-sama nating harapin ang anumang hamon sa buhay ng nagkakaisa, at magkakasama!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Muchas Gracias, Zamboanga

Muchas gracias, Zamboanga y Vice Mayor Pinpin Pareja – Page Masaya kaming nakapaglingkod sa inyong probinsiya. Sa tulong ng opisina ni Vice at ng Department of Social Welfare and Development – DSWD matagumpay nating naisagawa ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP) noong Setyembre ng nakaraang taon. 700 indibidwal ang naging benepisyaryo ng programang ito, na layong magbigay ng suporta sa mga nangangailangan. Naniniwala kami na sa tamang suporta, aangat ang talino at galing ng bawat Pilipino! #TGP23 #TGPpartylist #TGPpartylistCareProgram #DeputyMajorityLeader #CongBongTevesJr

Selebrasyon sa Bulacan

Ang TGP Party-List at si Deputy Majority Leader Cong. Bong Joson Teves Jr. ay buong pusong nakiisa at sumuporta sa makukulay na selebrasyon sa Bulacan! Sa Halamanan Festival ng Guiguinto, ipinakita ang kahalagahan ng paghahalaman at agrikultura sa pamamagitan ng mga programang nagpapakita ng yaman ng kalikasan, katuwang ang Guiguinto Municipal Triskelion Council.

Gayundin, nakiisa rin ang TGP Party-List sa Bulak Festival ng San Ildefonso upang bigyang-pugay ang mga magsasakang patuloy na nagpapayabong ng industriya ng bulak. Sa tulong ng San Ildefonso Triskelion Council, naging matagumpay ang makulay at makasaysayang pagdiriwang. Patuloy ang TGP Party-List sa pagsuporta para sa tradisyon at kultura.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Rice Pack para sa 800 Pamilya sa Quezon City

Kahit naka-recess ang mga committee at plenaryo noong Disyembre, tuloy pa rin ang aming serbisyo para sa bayan! Balikan natin ang masaya naming paghahandog ng rice pack sa 800 pamilya sa Quezon City bilang pasasalamat at pagbati sa pagtatapos ng taon. Sa TGP Party-List, ang inyong mga ngiti ang aming inspirasyon upang patuloy na maglingkod nang buong puso sa mga Pilipino. #TGP23#TGPpartylist#TGPpartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr