TGP Party-List Care Program Facebook Page

Alam namin na hindi madali ang pinagdadaanan ng marami sa ating mga kababayan ngayon. Marami sa inyo ay lumalapit sa aming mga online channels at nangangailangan ng tulong. Bagamat may limitasyon ang aming tanggapan, ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang makarating ang tulong sa inyo.

Ang pinakamabilis na paraan para matugunan ang inyong pangangailangan ay ang direktang pag-kontak sa aming lokal na kinatawan. Sa pamamagitan ng pag-message sa aming TGP Party-List Care Program Facebook Page. Piliin ang “Others” at ibibigay namin ang contact details aming area coordinators.

Patuloy ma tutulong ang TGP Party-List at si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa abot ng aming makakaya. Maraming salamat sa inyong suporta, pag-unawa at tiwala sa amin. #TGPPartyList#TGPPartyListCareProgram#CongBongTevesJr

Maligaya at Mapagpalang Pasko sa inyong lahat!

Mula sa TGP Party-List, sampu ng aming team at ng kinatawang si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., Maligaya at Mapagpalang Pasko sa inyong lahat! 

🌟

Nawa’y maghari ang diwa ng pagmamahalan, malasakit sa kapwa, at pagkakaisa na siyang tunay na diwa ng Kapaskuhan. Sa kabila ng mga hamon ng taon—mula sa bagyo, kalamidad, at pagkakaiba ng pananaw, nananatili ang ating pananalig at pag-asa sa mas magandang bukas.

Sana’y maging makabuluhan ang panahong ito kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Muli, Maligayang Pasko mula sa TGP Party-List! #christmas2024#TGP23#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr

Bigas Mula sa TGP Partylist

Dahil sa trahedyang sinapit ng higit 250 na kababayan natin sa Mandaluyong at sa pagkasunog ng kanilang mga tahanan ay kinailangan muna nilang manirahan pansamantala sa evacuation center hanggang kapaskuhan.

Ang STI Shaw-Namei ay nagdala ng kahit pa’nong makakain sa lugar at nagbahagi din ng mga bigas na mula naman sa TGP Partylist na noon pa man ay naging katuwang na natin sa mga ganitong relief operations.

#TGP

#Triskelion

#TGPpartylist

AKAP Pay-Out

Isinagawa ng TGP Partylist at Department of Social Welfare and Development – DSWD ang AKAP Pay-Out na pinangunahan ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. , kung saan 1,500 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Caloocan ang nabigyan ng tulong sa pakikipagtulungan ng DSWD-NCR. Sa pangunguna ni TGP Caloocan Coordinator at isa sa mga Nominee na si Kap. Jim Barbara, naging maayos at matagumpay ang pagsasakatuparan ng programang ito para sa ating mga kababayan.

Nananatiling tapat ang TGP Party-List sa layuning maghatid ng serbisyong may malasakit para sa bawat Pilipino.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

AICS Pay-Out sa District 1, Quezon Province

Sa inisyatibo ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., matagumpay na naisagawa ang TGP Party-List at Department of Social Welfare and Development – DSWD AICS Pay-Out sa District 1, Quezon Province. Umabot sa 300 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Infanta, Gen. Nakar, at Real ang nabigyan ng tulong pinansyal bilang suporta sa kanilang mga pangangailangan.

Naging maayos ang nasabing programa sa tulong at suporta ng Quezon Provincial Council sa pangunguna ni TGP Coordinator Christian Alcala. Ang TGP Party-List ay nananatiling katuwang ng bawat Pilipino sa paghahatid ng tunay na malasakit at serbisyo publiko.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

R.A. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Ac

Isa na namang mahalagang hakbang para sa kaligtasan ng bawat Pilipino ang naisakatuparan! Ang TGP Party-List, sa pangunguna ni Cong. Bong Teves Jr. bilang isa sa mga may-akda, ng R.A. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act ay kaisa sa tagumpay na ito. Binabati namin si Speaker Martin Romualdez at ang aming mga kasamahan House of Representatives of the Philippines at Senate of the Philippines para pagkakapasa ng batas na ito. Nagpapasalamat din kami kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pag-susulong at pag-sasabatas nito.

Layong ng Ligtas Pinoy Centers Act na makapag-patayo ng matibay at kumpletong evacuation centers sa bawat lungsod at bayan. Ang mga pasilidad ay idinisenyo upang kayanin ang bagyong may hanging hanggang 300 km/h at lindol na may lakas na hanggang 8.0 magnitude. Pangungunahan ito ng Department of Public Works and Highways katuwang ang mga lokal na pamahalaan, alinsunod sa National Building Code.

Sa dami ng nagdaang kalamidad at sakuna, napapanahon ang batas na ito upang bigyan ng ligtas na kanlungan ang bawat Pilipino. Patuloy ang TGP sa pagtutok sa kalusugan, kapakanan, at kaligtasan ng ating mga kababayan. #TGP23#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr

Nagbigay ng tulong ang TGP Partylist

Nagbigay ng tulong ang TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa pamamagitan ng programa ng Department of Social Welfare and Development – DSWD AKAP sa 950 benepisyaryo ng District 3 na ginanap sa Akle Court, Brgy. Claro, Project 3, Quezon City.

Patuloy ang TGP Party-List sa pagtugon at pagbibigay ng suporta para sa mga mamamayang nangangailangan.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

Nabigyan ng tulong ang 1,200 benepisyaryo mula sa Bay at Pila, Laguna

Nabigyan ng tulong ang 1,200 benepisyaryo mula sa Bay at Pila, Laguna sa pamamagitan ng TGP Partylist at Department of Social Welfare and Development – DSWD AICS at AKAP Payout.

Sa inisyatibo ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., matagumpay na naisagawa ng TGP Party-List katuwang ang DSWD ang AICS at AKAP na ginanap sa Brgy. Bulilan Sur, Pila, Laguna. Ang programa ay naglalayong makapagbigay ng agarang tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan.

Sa suporta nina Vice Mayor John Paul Villegas, Councilor Chester Ramos, at Councilor Oni Sanchez ng Bay, gayundin nina Vice Mayor Reggie Mhar Bote at Councilor Vjay Relova ng Pila, naging maayos at matagumpay ang aktibidad. Pinapasalamatan din natin si Kapitan Nilo Ladanga ng Brgy. Bulilan Sur sa pagpapaunlak ng venue na ginamit sa aktibidad na ito.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

Dakal a Salamat, mga Cabalen keng Angeles City

Dakal a salamat, mga Cabalen keng Angeles City, keng kekayung suporta at kaisa king TGP Party-List!

Sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., matagumpay na naipamahagi ang Department of Social Welfare and Development – DSWD AKAP Pay-Out sa halos 300 benepisyaryo ng nasabing programa na ginanap sa Bagong Silang, Cutud, Angeles City, Pampanga.

Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa tulong at suporta ni Angeles City Councilor Kap Niknok Bañola at iba pang mga lokal na lider. Patuloy na nagbibigay ang TGP Partylist ng suporta at serbisyong may malasakit para sa bawat pamilyang Pilipino. Dahil sa tiwala ng mga mamamayan, mas nagiging masigasig ang TGP Party-List na maglingkod at tumugon sa pangangailangan ng lahat.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

Tuloy-tuloy ang malasakit ni Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. sa mga Bulakenyo!

Tuloy-tuloy ang malasakit ni Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. sa mga Bulakenyo! Sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – DOLE, matagumpay na isinagawa ang TUPAD Payout sa Cayetano Sports Complex, Balagtas, Bulacan. Mahigit 200 benepisyaryo mula sa ilang mga bayan sa Bulacan na natulungan sa programang ito.

Patuloy na pinatutunayan ng TGP Partylist ang kanilang malasakit sa mga Bulakenyo. Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap mula sa TGP Party-List at sa DOLE.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr