Kampeonato sa 2023 WBO Super Bantamweight ay nagCourtesy Visit

Matapos ang pagkakasungkit ng Kampeonato sa 2023 WBO Super Bantamweight ay nagCourtesy Visit kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang kapwa Triskelion na si John Riel “Quadro Alas” Casimero.

Isang karangalan muli sa bansa ang pagkakapanalong ito ni Casimero kaya naman binigyang pagkilala ito ng Talino at Galing ng Pilipino o TGP Partylist.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Financial assistance sa Alaminos, Laguna

Tinupad na pangako ang personal na dinala ng ating representante Cong. Bong Teves Jr. sa ating mga kababayan sa Alaminos, Laguna ng ginanap ang pamamahagi ng financial assistance sa ilalim ng pangangasiwa ng DSWD 4A. Mainit na pagtanggap ang makikita sa kabuuan ng programa sa pangunguna ni Alaminos Mayor Brod Glenn Flores kasama sina Municipal Councilors Janis Ilagan at Jacklyn Villanueva na siyang may inisyatibo ng pamamahagi bilang mga miyembro ng National Movement of Young Legislators (NMYL) – Laguna. Labis ang pasasalamat ng mga beneficiaties na personal na nakadaupang palad ang ating representante.

Kasama sa mga nakatanggap ay mga miyembro ng Alaminos Triskelion Municipal Council sa pangunguna ni Chairman Rodrigo Marasigan at Laguna Provincial Gov.Gen. Ruslan Fonacier.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Personal na iginawad ni Nagoya Triskelions’ Council Chairman Archie Salting ang “Plaque” ng pagkilala

Sinadya pa at personal na iginawad ni Nagoya Triskelions’ Council Chairman Archie Salting ang “Plaque” ng pagkilala nila kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr.

Ito ay mula sa Chubu Regional Council Japan sa pamununo ni GovGen Erick Lacerna kung saan nakapailalim ang Nagoya.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

TGP Partylist sa Biñan City

Sa nakaraang pagpunta ng TGP Partylist sa Biñan City sa pangunguna ng ating representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. ay magkasanib na ginawa ang pay-out ng financial assistance para sa mga beneficiaries na inisyatibo nina Binan City Councilor/Bokal Jonalina “Dada” Reyes (Pres. of Philippine Councilors League-Laguna) at Biñan City Councilor Jedi Alatiit (Officer of National Movement of Young Legislators-Laguna). Ipinaabot ang pagsuporta sa programa nina Biñan Cong. Len Alonte, Mayor Arman Dimaguila, gayundin ni Vice Mayor Gel Alonte na personal na dumalo sa aktibidad.

Pinangasiwaan ang pay-out ng DSWD 4A.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

TUPAD Orientation sa bayan ng Magdalena, Laguna

Sa ginanap na TUPAD Orientation sa bayan ng Magdalena, Laguna (May 11, 2023) ay hinimok ng TGP Partylist ang mga beneficiaries na isapuso ang mga gawaing pang-komunidad na kanilang isasakatuparan kasabay ng pagkakaroon ng karagdagang kita. Ang inisyatibo ay hiniling ni Magdalena Municipal Mayor Pedro Bucal kay TGP PL Rep. Jose “Bong” Teves Jr. na pinangasiwaan ng DOLE-Laguna.

Sa kanyang ipinahatid na mensahe ay sinabi ni Cong. Bong Teves Jr. na sa abot ng kanyang makakaya ay patuloy na magbababa ng mga programa ang TGP Partylist para sa mga mamamayan ng Magdalena.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Nag Courtesy Visit kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang isa sa katuwang sa Pan-ay, Capiz

NagCourtesy Visit kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang isa sa katuwang sa Pan-ay, Capiz na si Ms. Frezel Daynolo kasama si Mr. Francis Apoyos ng Pilar, Capiz upang pag-usapan ang patuloy na serbisyo ng TGP Partylist katuwang ang alkalde ng Pan-ay na si Mayor Vic Bermejo.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

TUPAD Orientation sa Parañaque City

Nakakatuwang masdan ang seryosong pakikinig ng mga beneficiaries sa ginanap na TUPAD Orientation sa Parañaque City na inisyatibo ni Councilor Raffy “Apiong” Dela Peña katulong ang TGP Partylist na pinangungunahan ng kanyang fraternal brother TGP PL Rep. Jose “Bong” Teves Jr. Karamihan sa mga sumailalim sa orientation ay mga first-time beneficiaries ng TUPAD Program kabilang ang mga brod at sis.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng DOLE-NCR.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Pay-out ang ginanap sa bayan ng Famy, Laguna

Isang makabuluhang pay-out ang ginanap sa bayan ng Famy, Laguna kasama ang TGP Partylist kung saan ang mga beneficiaries ay kinabibilangan ng mga PWDs, senior citizens, may sakit at mga mag-aaral na nangangailangan ng financial assistance. Sa kanyang mensahe ay labis ang pasasalamat ni Famy Municipal Mayor Lorenz Rellosa na itinuring ang aktibidad na isang pangako na tinupad ni TGP PL Rep. Cong. Jose “Bong” Teves Jr. para sa kanyang mga nasasakupan. Kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Freddie Valois, ay ipinahayag ng lokal na pamahalaan ng Famy ang kanilang solidong suporta sa TGP Partylist.

Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ng DSWD 4A-Laguna SWAD.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. attended the first day of the resumption of session

Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. attended the first day of the resumption of session before the 1st regular session sine die adjournment.

The 1st regular session is set to adjourn sine die in June and will open a new regular session in July in time for the State of the Nation Address of the President Bong Bong Marcos.

#TGPpartylist

Tinupad ni TGP Partylist Rep. Cong, Jose “Bong” Teves Jr. ang kanyang pangako na siya ay magbabalik sa bayan ng Cavinti, Laguna

Tinupad ni TGP Partylist Rep. Cong, Jose “Bong” Teves Jr. ang kanyang pangako na siya ay magbabalik sa bayan ng Cavinti, Laguna dala ang mga gardening tools at vegetable seeds para sa mga tukoy na beneficiaries. Iniwan nya ang commitment na ito ng siya din ay pumunta sa Cavinti kamakailan lamang upang saksihan naman ang distribution ng financial assistance. Labis ang pasasalamat ni Cavinti Municipal Mayor Arantlee Arroyo, kasama si Councilor Glenn Cabuhat (Officer of National Movement of Young Legislators-Laguna) sa magkasunod na inisyatibo ng TGP Partylist sa kanilang bayan.

Dito ay pinag-usapan din ang iba pang mga proyekto/programa na pagsasamahan ng Cavinti at TGP PL.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr