Crisis Assistance for Bato LGU

TGP partylist headed by Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. personally facilitated the provision of Crisis Assistance for Bato LGU. This Crisis Assistance is part of the Social Services Extension Program thru DSWD, fund transferred to Bato LGU, a collaborative undertaking thru the leadership of Municipal Mayor Juan Rodulfo, in close coordination with MSWDO. PBM Lorenzo Templonuevo Jr. and Mr. Alex Teves are also present during the activity.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr#CongBongTeves Jr.

Pagbisita kamakailan sa ating mga kapatid na Triskelion sa loob ng New Bilibid Prison

Sa ginanap na pagbisita kamakailan sa ating mga kapatid na Triskelion sa loob ng New Bilibid Prisons ay nakiisa ang TGP Party-List sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa pagbibigay kalinga sa ating mga kasama. Ang aktibidad ay inorganisa ng mga Tau Gamma Phi/Sigma groups na naging mas makahulugan sa presensya ni Founding Father Talek Pablo.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves#CongBongTevesJr

225 na beneficiaries sa Calintaan, Mindoro Occidental

Hanggang sa pagtatapos ng taon ay patuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. Katuwang ang DSWD FO4B ay 225 na beneficiaries sa Calintaan, Mindoro Occidental ang nabahaginan ng financial assistance, na karamihan ay mga naapektuhan ng nakaraang Bagyong Paeng at kasama dito ay mga kapatid na triskelion. Ang inisyatiba ay hiniling sa TGP Partylist ni Calintaan Mayor Brod Dante Esteban.

Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo na ang pagbangon ay mas pinahihirap ng kabi-kabilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves#CongBongTevesJr

TGP Partylist Crisis Assistance Program sa Zamboanga City

Bago magtapos ang taong 2022 ay isinagawa ang pamamahagi ng financial assistance sa 491 na brod at sis sa Zamboanga City kung saan ay nasa 1 million pesos ang inilaan sa ilalim ng TGP Partylist Crisis Assistance Program sa pangunguna ng ating Deputy Majority Leader Cong Bong Teves Jr. Ang distribution ay pinangasiwaan ng DSWD FO9 sa pakikipag-ugnayan ng Zamboanga City LGU na pinamumunuan ni Mayor John Dalipe at Vice- Mayor Sis Josephine “Pinpin” Pareja. Karamihan sa mga nakatanggap ay mga naapektuhan ng nakaraang Bagyong Paeng.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves#CongBongTevesJr

Benepisyaryo ang ilan ay mga Triskelion o miyembro ng kanilang Pamilya.

Matapos sa Nueva Ecija ay tinungo naman ng TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang Ɓngeles, Pampanga upang doon naman makapagbigay ng tulong sa pamamagitan ni Councilor Niknok BaƱola katuwang ang opisina ni Senator Bong Go.

Lubos ang galak ng mga benepisyaryo ay na ang ilan ay mga Triskelion o miyembro ng kanilang pamilya.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves#CongBongTeves Jr.

Paskuhan ng mga taga San Leonardo, Nueva Ecija

Mistulang naging maaga ang Paskuhan ng mga taga San Leonardo, Nueva Ecija na nakatanggap ng financial assistance hatid ng TGP Party-List sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. katuwang ang opisina ni Senator Bong Go. Ang DSWD FO-3 ang nangasiwa ng pamamahagi sa may 350 beneficiaries na karamihan ay mga Triskelion/miyembro ng kanilang pamilya.

Ang aktibidad ay sinaksihan din ng kinatawan ni San Leonardo Mayor Froilan NagaƱo na si Councilor Umpay NagaƱo.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves#CongBongTeves Jr.

1.2 million na halaga ng Financial Assistance

Nasa may 1.2 million na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi sa ginanap na pay-out sa lalawigan ng Laguna ng TGP Partylist sa pamumuno ng ating kinatawan na si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr.

Ang pagsasaayos ng mga beneficiaries ay pinamahalaan ng Triskelion Council of Pakil, Triskelion Council of Paete, Triskelion Council of Pangil, gayundin ng National Movement of Young Legislators-Laguna Chapter sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Siniloan Councilor Carla Valderrama kasama sina Pakil Councilor Jeffrey Cotoner, Pangil Councilor Rianne Diaz at Paete Councilor Patricia Adao.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng host-municipality Mayor Vince Soriano ng Pakil, Laguna at ni Laguna Triskelion Provincial Council Governor-General Ruslan Fonacier.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves#CongBongTevesJr