Catanduanes ang aabot sa 1,028 na sako ng Hybrid Rice Seeds

Dumating na sa probinsiya ng Catanduanes ang aabot sa 1,028 na sako ng Hybrid Rice Seeds galing DA Region V.

Ang TGP Partylist sa pamamagitan ni Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. ay nakipagtulungan sa DA FO V upang ilapit sa ating mga Rice Farmers ang ganitong mga inputs upang makatulong tayo na mabawasan ang kanilang gastusin sa pagtatanim ng Palay. Naihatid na sa Bayan ng San Andres, Bato at San Miguel ang kanilang alokasyon. Sa mga susunod na araw ay atin na ring ihahatid ang sa ibang Bayan sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Ito ay upang isakatuparan ang Rice Competitiveness Enhancement Program ng Department of Agriculture…

Tayo ay nagpapasalamat kay Director Rodel Tornilla sa maagang pagtugon sa ating kahilingang ito… Parte din po ito ng ating panawagan na dpat laging may pagkain sa hapag kainan ang bawat pamilyang Pilipino.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

TUPAD Program sa Pila, Laguna

Nasa kalahating milyon na halaga ng TUPAD Program ang magkatuwang na ipinagkaloob ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. at ng mga TGP-Pila partners na sina Councilor Jepo De Castro, Councilor Bubok Herradura, at ABC President Councilor Jovir Matienzo sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan sa Bayan ng Pila, Laguna.

Sa ginanap na profiling at orientation day ay may 109 na beneficiaries mula sa iba’t-ibang barangay ng munisipalidad ang nailista at sasailalim sa 10-Day work program na pamamahalaan ng DOLE 4A-Laguna.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

“First 100 Days State of Municipality Address”

Naimbitahan po ang inyong lingkod na maging Panauhing Pandangal sa ginanap na “First 100 Days State of Municipality Address” ng ating kaibigan at masipag na alkalde ng bayan ng Famy, Mayor Lorenz Rellosa sa lalawigan ng Laguna.

Bilang isa sa mga partner-LGUs ng TGP Partylist, isang karangalan na maging bahagi ng makabuluhang kaganapan na ito nang paglalahad ng estado ng bayan.

Mabuhay po kayo!

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

#DeputyMajorityLeaderBongTeves

Flag Raising Ceremony sa Camp Bagong Diwa

Karangalan natin na tayo ay maging panauhing pandangal sa naganap na Flag Raising Ceremony ngayong Lunes, ika-10 ng Oktubre, sa NCRPO, Camp Bagong Diwa at maging bahagi sa pagbibigay ng parangal sa mga natatanging kapulisan sa NCR.

Ang TGP Partylist o Talino at Galing ng Pilipino ay sumasaludo sa kagitingan at kasipagan ng ating kapulisan. Asahan pa ang mas lalong pagpapaigting ng pakikipag-ugnayan ng inyong lingkod para sa mas higit pang mga panukalang batas na makatutulong sa ating kapulisan.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

TUPAD Program sa Quezon City

Sinisikap nating marating ang iba’t-ibang lugar at maabot ang ating mga kababayang walang-sawang sumusuporta din sa adbokasiya ng TGP Partylist. Ngayon naman ay sa Brgy. Nagkaisang-Nayon, Novaliches, Quezon City tayo tumungo at nasa 150 beneficiaries ang nagkaroon ng kanya-kanyang community engagements sa ilalim ng TUPAD Program ng ating kapartner (DOLE).

Ito ay inisyatiba ng ating masigasig na TGP Partylist Congressman at Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. sa kahilingan din ni Brgy. Chairman Sonny Dela Cruz.

Sa naganap na Orientation Day ay bakas sa mukha ng mga beneficiaries ang kasiyahan na maging bahagi ng pagseserbisyo sa pamayanan, gayundin ang pasasalamat sa kanilang matatanggap na kompensasyon.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves#CongBongTevesJr

TUPAD Program sa Calatagan

Halos 100 na mga miyembro ng Calatagan Triskelion Council sa Batangas ang nakatanggap ng kani-kanilang kompensayon sa ilalim ng TUPAD Program na inihatid ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr, sa pakikipag-ugnayan sa DOLE 4A-Batangas. Bilang isang Triskelion ay sinisikap ng ating representante sa Kongreso na maipaabot sa mga nangangailangang miyembro ng kapatiran ang anumang posibleng tulong na pwedeng ibigay ng TGP Partylist. Ang aktibidad ay pinamahalaan ni Calatagan Council Chairman Melvin De Lara, sa tulong ni Batangas Governor-General Toto Noche.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves

#CongBongTevesJr

TUPAD Orientation sa Pasay City

Ang ating kagustuhan na makapagbigay ng kahit konting kaluwagan sa ating mga kababayang nangangailangan ay patuloy nating isinasakatuparan. Sa ating pag-iikot ay ang Lungsod ng Pasay naman ang pinuntahan ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. upang ipamahagi ang tulong sa ilalim ng TUPAD Program, sa pakikipagtulungan sa opisina ni Pasay City Councilor Allo Arceo. Ang proyekto ay hiniling sa TGP Partylist ni Brod Konsi Moti Arceo kung saan ay may 179 beneficiaries na makikinabang. Ang ginanap na TUPAD Orientation ay pinamahalaan ng representatives mula sa DOLE-NCR.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

TUPAD Pay-Out sa Batangas City

“Malaking bagay na matulungan po namin kayo sa inyong mga gastusin kahit sa ilang araw lamang sapagkat ang TGP Partylist ay palaging nandito bilang inyong kaagapay.” Ito ang ipinahatid na mensahe ni Deputy Majority Leader TGP Cong. Bong Teves Jr. sa ginanap na TUPAD Pay-Out ng may mahigit na 100 beneficiaries mula sa ilang barangay sa Batangas City. Ang inisyatiba ay hiniling sa TGP ni Batangas City Councilor Brod Mando Lazarte sa pamamagitan ni TGP FF Roy Ordinario, na pinangasiwaan ng DOLE 4A-Batangas.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

Salubong of the 54th Anniversary of Tau Gamma celebration at the Sta. Maria Elementary School Field.

Buenvenidos, Cong. Bong Teves!

Vice Mayor Pinpin Pareja, along with Councilors James Siason, Jimmy Villafores, Marxander Jaime Cabato and Jerome Santos extend a warm welcome to Congressman Bong Teves Jr. of the TGP Partylist, who arrived in the city this afternoon.

Cong. Teves is in town to attend this evening’s Salubong of the 54th Anniversary of Tau Gamma celebration at the Sta. Maria Elementary School Field.