300 beneficiaries sa Siniloan, Laguna

Kaakibat ng layunin ng TGP Partylist sa pangunguna ni Cong. Bong Teves Jr. na makatulong sa pagbibigay ng trabaho o mapagkakakitaan sa ating mga kababayang nangangailangan, ay isinagawa ang orientation ng mahigit na 300 beneficiaries sa Siniloan, Laguna sa ilalim ng TUPAD Program (TUlong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers). Ito ay sa kahilingan ni Siniloan Councilor Carla Valderrama at Mayor Rainier Leopando na naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng TGP Partylist sa DOLE FO-4A. #TGPpartylist #CongBongTevesJr

TUPAD Payout sa bayan ng San Juan, La Union

Labis ang katuwaan at pasasalamat ng may 119 beneficiaries sa naganap na TUPAD Payout sa bayan ng San Juan, La Union, na naisakatuparan sa pamamagitan ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. kasama ang DOLE FO-1. Ang paghahatid ng tulong pangkabuhayan na ito sa ating disadvantaged/displaced workers ay sa kahilingan ni TGP BOT Jenni Munar katuwang si San Juan Councilor Nikki Valero Velilla. #TGPpartylist #CongBongTevesJr

Crisis Assistance Program

Todo ang naging suporta ng pamahalaang lokal ng Alaminos, Laguna sa naganap na paghahatid ng tulong ng TGP Partylist sa ilalim ng Crisis Assistance Program nito sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Joson Teves Jr. Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales ng bayan na pinangunahan ni Mayor Brod Glenn Flores kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Nicole Pampolina, Konsehal Janis Ilagan, Konsehal Bernadeth Alvarez, Konsehal Jacklyn Villanueva, Konsehal Boyet Briz, Konsehal Joey Briz, Konsehal Jeyson Abu at SK Federation Chairman Christian Averion. Kasama din sa pag-organisa ng programa ang Triskelion Municipal Council of Alaminos. Ang paghahatid ng tulong ay sa pakikipag-ugnayan ng TGP Partylist sa DSWD 4A. #TGPpartylist #CongBongTevesJr