Testimonial Dinner in Recognition of Honorary and Adopted Members of the PNPA Tagapagtaguyod Class of 1988.

Testimonial Dinner in Recognition of Honorary and Adopted Members of the PNPA Tagapagtaguyod Class of 1988.

Dumalo si Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Jose “Bong” J. Teves, Jr. sa Testimonial Dinner ng PNPA Tagapagtaguyod Class of 1988 kung saan kinilala siya bilang isa sa mga adopted members na nanalo nitong nakaraang 2025 Mid-Term National and Local Elections.

Kabilang sa mga kinilala kasama ni Congressman Teves ay si Senator Erwin Tulfo na adopted member din ng PNPA Tagapagtaguyod Class of 1988.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#DeputyMajorityLeader

Bagong Multi-Purpose Building sa Gigmoto, Pormal nang Pinasinayaan!

Bagong Multi-Purpose Building sa Gigmoto, Pormal nang Pinasinayaan!

Pormal nang na-turn over ang bagong Multi-Purpose Building sa Experimental Farm ng LGU Gigmoto, Catanduanes. Ito ay sa pamamagitan ng TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., katuwang ang LGU na naglaan ng lote para sa proyekto.

Ayon kay Cong. Bong J.Teves Jr., layunin nilang makapagtayo ng 10 barangay multi-purpose buildings bawat taon sa buong lalawigan, bilang tugon sa kahilingan ni Catanduanes Governor-elect Patrick Azanza. Isa lamang ito sa mga hakbang ng TGP Party-List para mapalapit ang serbisyo sa tao. Susunod na pasisinayaan ang mga pasilidad sa mga bayan Bato at Caramoran sa Lalawigan ng Catanduanes.

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Panunumpa sa Tungkulin ni Kons. Marlon Bandelaria kay Cong. Bong J. Teves Jr

Panunumpa sa Tungkulin ni Kons. Marlon Bandelaria kay Cong. Bong J. Teves Jr.

Nanumpa sa tungkulin si Konsehal Marlon Bandelaria ng Daet, Camarines Norte sa pangunguna ni TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. Ginanap ang panunumpa sa Opisina ng TGP Party-List sa Kongreso.

Kasama sa layunin ng panunumpa ang patuloy na pagtutulungan para maisulong ang adbokasiya para sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan. Sama-sama tayong kumilos para sa mas maganda at mas maayos na kinabukasan!

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Panunumpa ng mga Lingkod-Bayan ng Siniloan, Laguna, Kaagapay ang TGP Party-List

Panunumpa ng mga Lingkod-Bayan ng Siniloan, Laguna, Kaagapay ang TGP Party-List

Pinangunahan ni TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng Siniloan, Laguna sa pangunguna ni Vice Mayor Joseph Metzler Dela Rosa Masacupan at mga Konsehal Louie Philip Jimenez Castro, Rejnerr Flores De Jesus, Carl Anthony Salaveria Puño. Idinaos ang seremonyang ito sa opisina ng TGP Party-List sa Kongreso bilang pagpapakita ng pagtutulungan at suporta sa layunin ng mas makabuluhang serbisyo para sa mamamayan.

Patuloy ang pagtutulungan ng TGP Party-List at ng mga lokal na lider para maisulong ang mga programang nakatuon sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan. Sama-sama sa iisang direksyon — ang kapakanan ng mamamayan ang laging una.

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Panunumpa para sa Ikatlong Termino ng Paglilingkod Alay sa Bayan

Panunumpa para sa Ikatlong Termino ng Paglilingkod Alay sa Bayan

Pormal nang nanumpa sa kanyang ikatlong termino si TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. para sa Ika-20 Kongreso sa isinagawang Mass Oath Taking na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa House of Representatives. Kasabay rin niyang nanumpa ang kanyang anak na si Mayor Paolo Teves ng Baras, Catanduanes na kasalukuyang LMP President ng Catanduanes, kasama ang iba pang mambabatas, lokal na opisyales mula sa iba’t ibang bayan, syudad, at probinsya.

Panibagong yugto ng pagseserbisyo ang sisimulan nina Cong. Bong Teves Jr. at Mayor Paolo Teves, bitbit ang mga adbokasiyang tunay na para sa tao—hanapbuhay, kalikasan, kalusugan, at kabataan. Sa bawat panunumpa, kasabay ang pangakong magpapatuloy ang tapat, makatao, at progresibong pamumuno.

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Panunumpa sa Tungkulin ni Kons. Sofia Shane Riel kay Cong. Bong J. Teves Jr.

Panunumpa sa Tungkulin ni Kons. Sofia Shane Riel kay Cong. Bong J. Teves Jr.

Isinagawa ang panunumpa sa tungkulin ni Konsehal Sofia Shane Riel ng Mercedes, Camarines Norte, na nakapagtamo ng pinakamataas na boto bilang Konsehal sa kanilang bayan, ito ay ginanap sa opisina ng TGP Partylist na pinangunahan ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr.

Si Kons. Sofia Shane Riel ay dating Congressional Staff ng TGP Party-List, at ngayon ay opisyal nang manunungkulan bilang Konsehal — isang patunay na walang imposible sa sipag, tiyaga, at malasakit sa bayan. Dahil sa kanyang kahusayan sa pag-aasikaso noon ng mga Assistance mula sa TGP Party-List, asahan na rin po natin na magkakaroon sa kanyang opisina ng mga Medical Assistance at iba pang programang makatutulong sa mga Mercedeños katuwang ang TGP Party-List.

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maligayang Araw ng Kalayaan

Saludo ang TGP Party-List sa tapang, talino, at galing ng Bayaning Pilipino, mga bayaning nag-alay ng lahat para sa dangal at kalayaan ng ating lahi. Dahil sa kanila, taas-noo tayong namumuhay bilang isang malayang bayan.

At sa bawat Pilipinong patuloy na naglilingkod, lumalaban, at nagmamalasakit—kayo ang mga bayani ng kasalukuyan.

Sa diwa ng kalayaan, sama-sama tayong kumilos para sa mas masaganang Pilipinas at mas matatag na kinabukasan para sa lahat.

Pagpupugay Para sa mga Kinatawan ng Ika-19 na Kongreso

Pagpupugay para sa mga Kinatawan ng Ika-19 na Kongreso

Isang karangalan para sa TGP Partylist, sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., na mapabilang sa mga ginawaran ng pagkilala bilang isa sa mga kinatawan ng Ika-19 na Kongreso. Lubos ang aming pasasalamat sa House Secretariat, sa pamumuno ni Secretary General Reginald Velasco, para sa makabuluhang pagkilalang ito.

Ang parangal na ito ay alay hindi lamang sa aming tanggapan kundi sa lahat ng mambabatas na patuloy na naglilingkod nang tapat at may malasakit sa bayan. Magsisilbi itong inspirasyon upang mas lalo pa naming pagbutihin ang pag-akda at pagsusulong ng mga panukalang batas na may tunay na saysay sa buhay ng bawat Pilipino.

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Maraming Salamat sa Inyong Pagbisita at Pakikiisa sa TGP Partylist

Maraming salamat sa inyong pagbisita at pakikiisa kay TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. Tunay na nakapagbibigay inspirasyon ang pagkakaisa ng mga lingkod-bayan mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila—Kons. Col. Jhun Ibay (District 1, Maynila), Kons. Eunice Castro (District 4, Maynila), Kons. Atty. Charm Quimpo (District 2, Caloocan), at Vice Mayor Stephanie “Phanie” Teves (Muntinlupa City).

Sa pamamagitan ng ganitong mga makabuluhang ugnayan, mas tumitibay ang pagtutulungan tungo sa mas maraming programa at proyektong makatutugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino. Sama-sama tayong maglilingkod para sa mas maunlad at magandang kinabukasan!

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr