
Minabuti ni TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. na ilapit sa mga kababayan nating nangangailangan ang ating Medical Assistance Program upang personal na maipakita ang mga kinakailangang dokumento na itinakda ng mga ahensyang kapartner ng TGP Partylist tulad ng DOH at DSWD.

Magandang gabi po,
Paano po mag-apply ng medical assistance for dialysis patient from private dialysis center – VIDA DIALYSIS CENTER PHILS.
Maraming salamat po
Magandang araw po.
Ako po sii Ronnie Nasal na taga San Fernando pampanga.
Ako po ay may sakit sa puso na kailangan mag ANGIOPLASTY
Ako po ay humihingi Ng tulong para madugtungan Ang aking buhay. Sana po Ako ay inyong matulungan.
Maraming salamat po
Magandang Gabi Po,hihingi po ako NG tulong para Po sa anak ko na nadiagnos Po nah autism spectrum disorder. Kailangan po Nia mapatheraphy (occupational,speech theraphy)Sana po matulungan nio Po Ang anak ko 🙏🙏🙏
Mag request po sana ako ng Medical Assistance? Ako po ay isang Kidney Transplant patient sa NKTI. Kelangan ko po ng monthly laboratory at gamot ?
Umaasa po….
John Charles K Lim
Hello my anak po ako na need po ooperhan ito po ay nag kakahalaga Ng 300k sna po matulungan nio po ako
Magandang araw po, ako po ay lumalapit sa inyong tanggapan para sa tulong pinansyal para sa operasyon ng aking ama sa kanyang kaliwang balak dahil sa Malunuted Pertrochanteric Fracture na isasagawa sa Philippine Orthopedic Center, kailangan pong makabili ng bakal na Total Hip Arthroplasty with Ceramic on Ceramic. Buong puso ko pong ipinapakiusap sa jnyong tanggapan na kami po ay matulungan. Maraming salamat po.
November 18, 2025
Kagalang-galang na kawani ng TGP Partylist,
Magandang araw po. Ako po si John Paul H. Solamo, residente ng Barangay 26, District 1, Tondo Manila, at ako po ay buong pagpapakumbabang sumusulat upang humingi ng tulong pinansyal para sa natitirang hospital bill ng aking ina, Maria H. Solamo,
Siya po ay na-confine sa East Manila Hospital Managers Corp o mas kilala bilang Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta Mesa Manila, dahil sa malalang inpeksyon sa dugo, utak, daluyan ng ihi at hospital acquired pneumonia dahil sa matagal na pamamalagi sa ospital dala na din ng pagiging immunocompromised bilang isang Stage 4 Lung Cancer w/Brain and Bone Metastasis, Type 2 Diabetes, Hypertension, Hypothyroidism at CKD Stage 3 na sakit.
Bagama’t kami po ay nakatanggap ng aprubadong tulong mula sa DSWD, PCSO, OVP, at mayroon ding referral mula sa DOH, ang natitirang balanse sa ospital ay malaki pa rin at patuloy po kaming nahihirapan na mabayaran ito nang buo.
Kalakip po ng liham na ito ang kopya ng hospital bill, medical abstract at iba pang dokumento para sa inyong sanggunian. Anumang tulong pinansyal mula sa inyong tanggapan ay magiging malaking ginhawa at maitutulong sa aming pamilya upang mabayaran ang balanse.
Maraming salamat po, sa inyong oras at malasakit sa mga pamilyang Pilipinong dumaranas ng hirap. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain at gabayan sa inyong paglilingkod sa ating bayan.
Lubos na gumagalang,
John Paul H. Solamo