Binisita ng Philippines’ Youngest World Youth Jiu-Jitsu Champion si Aleia Aielle Aguilar ang Kongreso sa pamamagitan ni Deuty Majority Leader Bong Teves

Binisita ng Philippines’ Youngest World Youth Jiu-Jitsu Champion in the 2022 Abu Dhabi World Youth Jiu-Jitsu Championship na si Aleia Aielle Aguilar ang Kongreso sa pamamagitan ni Deuty Majority Leader Bong Teves noong ika-16 ng Nobyembre. Si Aielle ay limang taong gulang pa lamang. Siya rin ay anak ng isa sa Philippines’ mixed martial arts pillars at founder ng URCC na si Alvin Aguilar at ng former jiu-jitsu world champion na si Maybelline Masuda.

Nag-file din si Deputy Majority Leader Teves ng House Resolution 546 na nagbibigay pagkilala sa karangalang ibinigay ni Aielle sa ating bansa bilang gold medalist.

Natutuwa ang TGP Partylist na mabigyan ng pagkakataon na kilalanin sa plenaryo si Aielle sapagkat bata pa lamang ay pinapakita niya na ang talino at galing ng Pilipino sa larangan ng Jiu-Jitsu. Talaga namang napakahusay ng ating kabataan.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *