Isang Mainit na Pasasalamat ang Ipinapaabot ng TGP Partylist

Isang mainit na pasasalamat ang ipinapaabot ni TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa ginawang courtesy visit nina Mayor Charo Sy-Alvarado ng Hagonoy, Bulacan, Konsehal Teemee Miguel ng San Ildefonso, Bulacan, at Konsehal Derreck Pangan ng Calumpit, Bulacan. Ang pagbisitang ito ay naging daan upang pagtibayin ang pagtutulungan para sa mga adbokasiya na nakatuon sa hanapbuhay, kalikasan, kalusugan, at kapakanan ng kabataan.

Makakaasa ang ating mga kababayan na patuloy ang TGP Party-List sa pagtatrabaho sa kongreso upang maipaglaban ang mga makabuluhang programa para sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na lider, mas lalawak pa ang saklaw ng serbisyong tunay na para sa tao — tapat, mabilis, at may malasakit.

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

19th Congress | 3rd Regular Session, (Session #39)

Dumalo si TGP Partylist Representative, Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa plenary hall ng Kongreso para sa 19th Congress | 3rd Regular Session, (Session #39), kasama ang mga kinatawan ng ika-19 na Kongreso.

Bitbit niya ang layunin na patuloy na maisulong ang mga adbokasiya sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan — lalo’t higit ang ligtas, murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Balik sa Kongreso, Tuloy-Tuloy ang Serbisyo!

Balik sa Kongreso, tuloy-tuloy ang serbisyo!

Sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr., kasama sina Tau Gamma Phi Founding Father Roy Ordinario, Sultan Jherry Laut, at ang TGP Party-List Congressional Staff, ay patuloy na magsusulong ng mga adbokasiya para sa Kalikasan, Kalusugan, at Kabataan.

Tunay na walang patid ang malasakit ni Cong. Bong Teves Jr. para sa bayan—kaya’t asahan ninyo na magpapatuloy ang TGP Partylist sa paghahatid ng makabuluhang mga programa at panukala para sa kapakanan ng bawat Pilipino!

#TGP#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Ang Bawat Pangako, Sisikaping Maisabatas. Ang Bawat Hakbang, Para sa Kapakanan ng Bawat Pilipino.

Bilang kinatawan ng TGP Party-List, dumalo si Deputy Majority Leader Cong. Bong Joson Teves Jr. sa session para ituloy ang pagtutulak ng mga batas para sa kalikasan, kalusugan, at kabataan, mga adbokasiyang matagal nang pinaglalaban ng TGP.

Ang bawat pangako, sisikaping maisabatas. Ang bawat hakbang, para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

#TGP#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Libreng Medical Check Up

Inilunsad ng TGP Party-List, sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Jose “Bong” Teves Jr., ang libreng medical check up at medical certificate.

ito ay para sa mga incoming first year students, transferees, at graduate school applicants ng Catanduanes State University (CATSU) para sa Academic Year 2025-2026

Kabilang sa mga libreng serbisyong ipagkakaluon ang mga Chest Xray, CBC (Complete Blood Count), at Drug Test. Gaganapin ito sa Catanduanes Doctors Hospital Inc. (CDHI) sa Valencia, Virac Catanduanes, simula June 8, 2025, Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00am hanggang 5:00pm. May nakahandang TGP Party-List Assistance Desk sa ospital upang tumulong sa mga kukuha ng medical certificate.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng TGP para sa kalusugan at kabataan, mga haligi ng maunlad na kinabukasan. Sa ganitong paraan, layunin naming maibsan ang gastos ng mga magulang at matulungan ang mga estudyante na makapaghanda para sa pasukan.

Abangan ang opisyal na iskedyul at iba pang detalye sa mga susunod na araw.

#TGP#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader

#CongBongTevesJr

Session No. 34 ng 3rd Regular Session ng ika-19 na Kongreso

Dumalo si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. Sa Session No. 34 ng 3rd Regular Session ng ika-19 na Kongreso. Aktibong nakibahagi ang TGP Party-List upang tiyaking may boses ang bawat Pilipino sa mga usaping nakakaapekto sa mga batas sa Kalusugan, Kabataan at Kalikasan.

Patuloy kaming magsusulong ng mga batas at programang naglalayong suportahan ang Talino at Galing ng bawat Pilipino. Manatili po kayong naka-follow sa page na ito para sa updates sa mga panukala at programang aming isinusulong sa Kongreso!

#TGP23#TGPpartylist#TGPpartylistCareProgram

#DeputyMajorityLeader#CongBongTevesJr

Araw ng Bandila

Ngayong Araw ng Bandila, ginugunita natin ang unang pagwagayway ng ating watawat sa Alapan, Imus, Cavite noong Mayo 28, 1898—isang makasaysayang tagpo na naging hudyat ng pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12.

Nagpupugay ang TGP sa mga bayani ng ating kasaysayan. Sila ang nagbuwis ng buhay at nagbigay daan upang ating tamasahin ang kalayaang iwagayway ang bandila nang may dangal at pagmamalaki. Kalayaang magkaisa. Kalayaang ipagdiwang ang ating pagkakakilanlan bilang isang matapang at marangal na sambayanang Pilipino. 

🇵🇭

Opisyal ng naiproklama ng COMELEC ang TGP Party-List

Opisyal ng naiproklama ng COMELEC ang TGP Party-List para sa ikatlong termino sa Kongreso! Sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. dumalo ang ating nominees, leaders, board of trustees at team sa proclamation event sa Manila Hotel Tent City.

Maraming salamat sa bawat suporta, tiwala, at boto mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Hindi lang ito tagumpay ng TGP, ito ay tagumpay ng mga sektor na matagal nang isinusulong ang murang gamot, dekalidad na serbisyong pang-kalusugan, magandang bukas para sa kabataan, at protektadong kalikasan.

Tuloy ang serbisyo. Tuloy ang pagsusulong ng makubuluhang mga batas. Tuloy ang pagkilos para sa bawat pamilyang Pilipino.

#TGP#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr

Mula Luzon, Visayas at Mindanao, Maraming Salamat sa Lahat ng sumuporta sa TGP Partylist

Mula Luzon, Visayas at Mindanao, maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa TGP at kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. ! 

🙌

 Ang tiwala ninyo ang nagbibigay-lakas sa amin upang ipagpatuloy ang pagsusulong ng murang gamot at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. Hindi lang ito adbokasiya ng iilan, layunin nating maihatid ang tunay na serbisyo at malasakit sa bawat tahanan sa Pilipinas. Lubos din ang pasasalamat namin sa mga sumuporta kay Mayor Paolo Teves Catanduanes, katuwang namin kayo sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago sa lokal at pambansang antas. Para sa kalusugan. Para sa kabataan. Para sa kalikasan.

Tuloy ang serbisyo para sa Talino at Galing ng bawat Pilipino!

#TGP#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr