Scholarship Program para sa 545 College Students

Ang TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr. ay matagumpay na naglunsad ng scholarship program para sa 545 college students mula sa 11 bayan ng Catanduanes! Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa Catanduanes State University (Main at Panganiban Campus), Catanduanes Colleges, at Christian Polytechnic Institute of Catanduanes.

Ginanap ang programa sa Plaza Rizal, kasama ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) Catanduanes Chapter, sa pamumuno ni Mayor Paolo Teves, bilang katuwang at kabahagi ng aktibidad na ito.

Patuloy ang walang hanggang malasakit at pagsuporta ng TGP Party-List sa Talino at Galing ng estudyanteng Pinoy!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

Naghatid ng Tulong ang TGP Partylist

Naghatid ng tulong ang TGP Partylist sa pangunguna at inisyatibo ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. para sa 500 benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development – DSWD AKAP (Ayuda sa Kapos ang Kita Program) sa Marikina City. Layunin ng programang ito na suportahan ang mga pamilyang kabilang sa sektor ng mga manggagawang may mababang kita.

Malaking pasasalamat sa MAKATAO Alumni and Community Elders (MACE) sa kanilang tulong at suporta sa nasabing gawain, at pasasalamat kay Kapitan Rafael “Paeng” Teope ng Barangay Fortune sa pagbibigay ng lugar para maging matagumpay ang proyekto.

Tunay na makatao ang serbisyong handog ng TGP Party-List para sa bawat Pilipino!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

AKAP Pay-out at AICS Pay-out para sa 1,100 Benepisyaryo

Sa inisyatibo ng TGP Party-List at ni Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr., matagumpay na naisagawa ang Department of Social Welfare and Development – DSWD AKAP Pay-out at AICS Pay-out para sa 1,100 benepisyaryo mula sa Bayan ng Pagsanjan at Magdalena, Laguna. Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan nina Magdalena MAYOR Pedro Peter Bucal , Councilor VM Ron Zaguirre, at Pagsanjan Councilor Rachelle Abella, kasama ang Laguna Triskelion Provincial Council.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na serbisyo at suporta ng TGP Party-List sa mga pamilyang nangangailangan.

Pinapaabot naman ni Cong. Bong Teves Jr. ang kanyang pasasalamat sa lahat ng lokal na pamahalaan na nakiisa upang maihatid ang tulong sa ating mga kababayan. Sama-sama nating itaguyod ang layuning walang maiiwan sa pagbangon!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

Lubos ang Pasasalamat ng TGP Party-List at ni Deputy Majority Leader Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa suporta ng Triskelion de Bulacan

Lubos ang pasasalamat ng TGP Party-List at ni Deputy Majority Leader Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa mainit na suporta ng Tau Gamma Phi – Triskelion de Bulacan Provincial Council. Ang inyong tiwala ay nagbibigay-lakas at inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagsulong ng mga programang tunay na makakatulong sa ating mga komunidad at bawat Pilipino.

Makakaasa kayo na ang TGP Party-List ay patuloy na magiging kaagapay at kasama ninyo. Sama-sama nating isulong ang pagkakaisa at serbisyo para sa bayan!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

AKAP Pay-Out sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte

Tagumpay na naisagawa ang AKAP Pay-Out sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte sa inisyatibo ng TGP Partylist at ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr.; Ang AKAP Pay-Out ay pinamahalaan ng Department of Social Welfare and Development – DSWD FO-9 kasama ang mga opisyal ng Zamboanga del Norte Provincial Council. Humigit-kumulang 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng financial assistance.

Ipinahatid ni Cong. Bong Teves Jr. ang kanyang mensahe sa pamamagitan ni TGP Party-List Nominee Jherry Laut, bilang patunay na patuloy ang suporta ng TGP Party-List sa Zamboanga Del Norte at saan mang panig ng bansa.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

MAHIGIT LABING ISANG LIBONG RELIEF ASSISTANCE NG TGP PARTYLIST NAIHATID NA SA 11 MGA BAYAN SA CATANDUANES

MAHIGIT LABING ISANG LIBONG RELIEF ASSISTANCE NG TGP PARTYLIST NAIHATID NA SA 11 MGA BAYAN SA CATANDUANES

Virac, Catanduanes-Mahigit sa isang libong relief assistance ang ipinamahagi ng TGP partylist katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 11 bayan sa lalawigan ng Catanduanes matapos ang anim na araw na paghagupit ng supertyphoon pepito sa probinsya.

11,000 food packs ang ipinamahagi ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong Jose Bong Teves Jr. sa bawat munisipalidad ng Panganiban, Bagamanoc, Viga, San Miguel, Gigmoto, Bato, Baras, Caramoran , Pandan, San Andress at Virac.

Unang araw matapos ang pananalasa ng supertyphoon pepito ay bumisita naman sa mga bayan sa lalawigan si Deputy Majority Leader at TGP Partylist Representative Congressman Jose “Bong” Teves Jr. na una ng personal na kinumusta ang sitwasyon ng mga residente sa mga lugar na hinagupit ng bagyong pepito.

Labis naman ang pasasalamat ni Catanduanes Governor Joseph Cua at labing isang mga mayor ng lalawigan kay Cong Bong Teves lalo na sa TGP Partylist dahil sa mabilis na pagtugon nito na mahatiran ng agarang tulong ang kanyang mga kababayan na mga Catandunganon.

Samantala, inaasahan naman ng Catanduanes na marami pang darating na asistensya mula sa national government, NGO’s at iba pang ahensya ng gobyerno upang pantawid sa pang araw-araw na pamumuhay lalo pa at pati kabuhayan ng mga residente ay napinsala rin kung saan nanawagan ang mga residenteng nawasak ang kanilang mga bahay na kaunting tulong para sa mga construction materials upang makapagsimula muli ng pagbangon ng bawat Catandunganon.

SOURCE : BHTV NEWS PHILIPPINES

Maraming salamat kay Pangulong Bongbong Marcos

Maraming salamat kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang malinaw na direktiba sa Department of Agriculture – Philippines at Department of Labor and Employment – DOLE upang masiguro ang rehabilitasyon ng abaca industry sa Catanduanes. Ang hakbang na ito ay malaking tulong para sa mga magsasakang lubhang naapektuhan ng Super #TyphoonPepito.

Kasama si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. at ang TGP Party-List sa pagsuporta sa adhikaing ito. Bilang pangunahing may-akda ng batas na nagdeklara sa Catanduanes bilang Abaca Capital of the Philippines, patuloy kaming maghahanap ng mga paraan upang mapalakas ang industriya at matulungan ang ating mga magsasaka.

Basahin ang detalye ng meeting sa: https://pco.gov.ph/vo7SZi

#TGP23#TGPPartyList#TGPPartyListCareProgram#CongBongTevesJr

Sa Kabila ng Pananalasa ng Bagyong Pepito

Sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Pepito, nananatiling matatag ang TGP Party-List sa pagtulong sa ating mga kababayang nasunugan sa Pasay City!

Sa pangunguna ni Deputy Majority Leader at TGP Party-List Representative Bong Joson Teves Jr., isinagawa ang relief operation para sa mga residente ng Brgy. Uno 1 at Brgy. Dos 2, Zone 1 District 1, Pasay City. Kasama sina Chairman Ernes David ng Tau Gamma Phi Pasay Council, Kapitan Joel Savares, at ang konseho ng Brgy. Dos, naipamahagi ang 350 rice packs mula sa TGP Party-List para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Cuyegking Street.

Kaisa at kasama ninyo ang TGP Party-List sa pagharap sa anumang hamon at sakuna.

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

Salamat, Pangulong Bongbong Marcos

Salamat, Pangulong Bongbong Marcos sa inyong personal na paghatid ng tulong sa mga kababayang Catandunganon na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Ang inyong presensya ay nagbigay ng pag-asa at lakas sa mga residente ng Catanduanes, lalo na sa libo-libong nawalan ng tahanan.

Puno ng pasasalamat ang aming puso sa inyong malasakit at sa pag-abot ng Presidential Cash Assistance sa pamamagitan ni Gov. Boboy Cua. Ang TGP Party-List ay kaisa ninyo sa pagsulong ng recovery efforts para sa ating mga kababayan. Sama-sama tayong babangon muli, Catanduanes!

#TGP23#TGPPartylist

#TGPPartylistCareProgram

#CongBongTevesJr

Patuloy ang TGP Party-List sa pagsulong ng Malasakit

Patuloy ang TGP Party-List sa pagsulong ng malasakit at pagkakaisa para sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo noong Setyembre! Sa tulong ng Tau Gamma Phi Rizal Provincial Council at ng mga boluntaryo nila, nakapag-abot tayo ng tulong sa mahigit 800 pamilyang nasalanta sa Cainta, Antipolo, Taytay, San Mateo, Montalban, at Angono.

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng nag-volunteer at tumulong upang matiyak na ang mga nangangailangang pamilya ay maabutan ng tulong. Sama-sama nating ipadama ang malasakit para sa bawat Pilipino! #TGP23#TGPPartylist#TGPPartylistCareProgram#CongBongTevesJr