Sa pagtupad ng ating tungkulin at hangaring mailapit ang programa sa ating mga kababayan ay amin pong gagawin ang lahat ng kaparaanan lalo pa’t patuloy naming nararamdaman ang inyo masidhing suporta sa TGP Partylist.
Tinungo ng TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang probinsya ng Davao Del Sur para pangunahan ang TUlong Pang-hanapbuhay para sa Ating Displaced workers kasama ang mga kapatid nating Triskelion sa kahilingan at pakikipagtulungan ni Triskelion Brother Congressman Tracy Cagas at ni Digos City Bro. Mayor Josef Cagas.
Makikita ang kasiyahan ng ating mga kapatid sa Marawi City sa probinsya ng Lanao Del Sur sa paghahanda sa nakatakdang pagpapasinaya ng ipinatayong TGP Multipurpose Hall ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. para sa ating mga kapatid sa nasabing probinsya bilang pagpapasalamat sa kanilang palagiang suporta at pagtitiwala sa TGP Partylist.
“Sa dinami-dami ng mga project requests na aking isinumite sa mga tanggapan ay pinakaunang sumagot ang TGP Partylist”
Ito ang nasabi kasabay ang pasasalamat ni Municipal Councilor Monay Payuran sa ginanap na pamamahagi ng financial assistance sa bayan ng Balagtas, Bulacan handog ng TGP Partylist na personal na dinaluhan ng ating TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. Dumalo din sa aktibidad ang ama ni Councilor Payuran na si Brgy. Burol 2nd Chairman Michael Payuran kasama ang mga miyembro ng kanyang Sangguniang Barangay.
Maraming salamat sa mga officers at kasapi ng Balagtas Triskelion Council gayundin sa pamunuan ng Triskelion De Bulacan na tumulong sa pag-organisa ng programa.
Dinaluhan ng TGP Partylist ang ginanap na TUPAD Pay-Out sa Bayan ng Gen. Emilio Aguinaldo (Bailen), Cavite kung saan ay labis ang tuwa at pasasalamat ng may 400 beneficiaries. Naisakatuparan ang programa sa pakikipag-ugnayan ni Bailen Mayor Brod. Dennis Mojica Glean at Cavite Provincial Council GovGen Erick James “Kid” Sernat sa ating TGP PL Rep. Jose “Bong” Teves, Jr. Maliban kay Mayor Glean, ay isa-isa ding nagpahayag ng pasasalamat at suporta sa TGP Partylist ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng DOLE 4A-Cavite at Bailen Public Employment Service Office (PESO).
Nagtungo ang TGP Partylist sa pamununo ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches para TUlong Panghanap-buhay para sa Ating mga Disadvantage or TUPAD Program ng DOLE na nirequest ni Brgy. Chairman Sonny Dela Cruz kay Cong. Bong Teves Jr.
Nasa higit 130 na kababayan natin ang nabiyayaan na ang ilan ay mga myembro ng Tau Gamma Phi.
TINGNAN| Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga evacuees sa Comun Elementary School sa bayan ng Camalig, Albay sa pagbisita at pagbigay ng mainit na agahan ng DZRH Operation Tulong katuwang ang TGP Partylist, GTecniva Equipment Solution,Police Regional Office 5, SM City Legazpi at Bicol Pres Club sa patuloy na isinasagawang feeding program para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkan Mayon.
Nasa 166 na pamilya o katumbas ng 577 na indibidwal na pawang mga mula sa Brgy. Sua, Camalig ang masayang nabusog ng mainit na lugaw na hatid sa ikatlong araw ng feeding program.
Isang masayang kantahan at palaro naman ang handog ng Psychosocial Intervention Team ng PRO 5 na lubos na nagdagdag kulay sa programa.
TINGNAN | Nagtungo naman ngayon para sa ikalawang araw ng feeding mission ng DZRH Operation Tulong katuwang ang TGP Partylist, Police Regional Office 5, Bicol Press Club at SM City Legazpi ang evacuation center sa San Jose Elementary School sa bayan ng Malilipot sa probinsya ng Albay.
Ang naturang evacuation center ay inuukopa ng nasa 688 na pamilya o katumbas ng 2,409 na indibidwal na pawang mga residente ng Brgy. Calbayog sa Malilipot na pasok sa 6km permanent danger zone ng Bulkan Mayon.
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga evacuees lalo na ng mga kabataan sa mainit at masarap na palugaw na dinagdagan pa ng mga palaro at kantahan ng mga kawani Psychosocial intervention Team ng PRO 5.
Magpapatuloy pa ang ikatlong araw na feeding mission ng grupo bukas sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan.
Sa pamamagitan ni TGP Partylist representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ay nakasama ang higit isang daang kababayan natin kasama ang mga kapatid nating Triskelion sa Commonwealth sa TUlong Panghanapbuhay para sa Ating mga Displaced workers o TUPAD program ng DOLE sa pakikipag-ugnayan kay Barangay Chairman Manuel Co.
TINGNAN| Nasa 1,028 na indibidwal o katumbas ng 295 na pamilya sa San Antonio Evacuation Center sa Tabaco City sa Albay ang nabiyayaan sa unang araw ng feeding mission ng DZRH Operation Tulong katuwang ang TGP Partylist at Police Regional Office no. 5 para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkan Mayon.
Mula sa Brgy. Magapo sa Tabaco City na pasok sa 6 km permanent danger zone ng Bulkan Mayon ang mga pamilya na pansamantalang nananatili sa naturang evacuation center.
Naging katuwang naman sa pagpapasaya at pagbibigay ng aliw sa mga evacuees ang PNP na nagbigay ng mga awitin at papremyo sa mga kabataan at magulang sa evacuation center.
Ang feeding mission ay magpapatuloy ang pag iikot sa mga evacuation alinsunod naman sa program makapagbigay ng tulong sa mga bakwit ng lalawigan.
Nagpapasalamat naman ang mga evacuees na sila’y binisita ng DZRH Operation Tulong at TGP Partylist na mabigyan ng isang mainit na almusal.