DZRH Operation Tulong katuwang ang TGP Partylist

TINGNAN| Nasa 1,028 na indibidwal o katumbas ng 295 na pamilya sa San Antonio Evacuation Center sa Tabaco City sa Albay ang nabiyayaan sa unang araw ng feeding mission ng DZRH Operation Tulong katuwang ang TGP Partylist at Police Regional Office no. 5 para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkan Mayon.

Mula sa Brgy. Magapo sa Tabaco City na pasok sa 6 km permanent danger zone ng Bulkan Mayon ang mga pamilya na pansamantalang nananatili sa naturang evacuation center.

Naging katuwang naman sa pagpapasaya at pagbibigay ng aliw sa mga evacuees ang PNP na nagbigay ng mga awitin at papremyo sa mga kabataan at magulang sa evacuation center.

Ang feeding mission ay magpapatuloy ang pag iikot sa mga evacuation alinsunod naman sa program makapagbigay ng tulong sa mga bakwit ng lalawigan.

Nagpapasalamat naman ang mga evacuees na sila’y binisita ng DZRH Operation Tulong at TGP Partylist na mabigyan ng isang mainit na almusal.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr#DZRHOperationTulong

1 thought on “DZRH Operation Tulong katuwang ang TGP Partylist

  1. Ma.Regina E.MORANTE

    Good morning po ngbibigay po b Kyo medical assistant po pwde po ba ako mkahingi Ng tulong para mdagdagan Ang pampaopera ko po sana mtulungan nyo po ako my sakit Po ako Rheumatic heart disease Severed Mitral Stenosis,tulungan nyo po para mdugtogan pa po Buhay ko thankyou po.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *