TESDA Training for Work Scholarship Program

Sa isang simpleng programa ay ginanap ang graduation ng mga TGP Partylist Scholars na nagtapos sa kursong Bread and Pastry Production NC II sa Divine Mercy International Institute sa Silang, Cavite sa ilalim ng TESDA Training for Work Scholarship Program (TWSP). Sa kanyang ipinarating na mensahe ay tinukoy ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. ang pagpapalakas ng TGP Partylist Skills Training Program katulong ang TESDA at iba pang ahensya ng pamahalaan upang mas marami pa ang mabigyan ng oportunidad na makapagsanay para magkaroon ng trabaho o mapagkakakitaan.

Pasasalamat din sa Tagaytay City Triskelion Council sa pangunguna ni Jesus Alvarez gayundin kay Cavite Council Gov.Gen. Erick Sernat, na tumulong sa pag-organisa ng implementasyon nito.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Opening Ceremony ng 1st Mayors Palarong Bayan ng Magdalena

Pinasaya ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang Dalawampu’t-apat (24) na Barangay ng bayan ng Magdalena sa pagdala nya sa mga PBA Legend former Ginebra Playing Coach Allan Caidic o mas kilalang “The Triggerman” at kinukunsiderang “the greatest shooter the country has ever produced” at kay

Nelson ‘The Bull’ Asaytono sa Opening Ceremony ng 1st Mayors Palarong Bayan ng Magdalena na pinaorganisa ng ating isa sa masipag na Local Partner sa probinsya ng Laguna na si Mayor Pedro Bucal.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Laking pasasalamat ng mga farmers sa bayan ng Luisiana, Laguna na nakatanggap ng mga gardening tools at vegetable seeds

Laking pasasalamat ng mga farmers sa bayan ng Luisiana, Laguna na nakatanggap ng mga gardening tools at vegetable seeds na hatid ng TGP Partylist sa pakikipag-ugnayan nito sa Department of Agriculture 4A. Ang aktibidad ay inorganisa nina Luisiana Councilor Hans Christian Rondilla (National Movement of Young Legislators – Laguna Chapter) at Vice-Mayor Luibic Jacob (Vice Mayors League of the Philippines – Laguna Chapter).

Ito ay bahagi ng magkakasunod na araw na pag-ikot ng TGP Partylist sa lalawigan ng Laguna upang mamahagi ng mga nabanggit na agricultural inputs.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Mga grupo din ng mga magsasaka sa bayan ng Pangil, Laguna ang nabahaginan ng mga gardening tools at vegetable seeds

Mga grupo din ng mga magsasaka sa bayan ng Pangil, Laguna ang nabahaginan ng mga gardening tools at vegetable seeds na dala ng TGP Partylist katulong ang Department of Agriculture 4A. Sa pakikipag-ugnayan ng TGP PL sa National Movement of Young Legislators (NMYL-Laguna Chapter) ay naisagawa ang inisyatibo sa pangunguna ng project proponent na si Pangil Councilor Rianne Diaz. Kasama ang SB Committe Chairman at Municipal Agriculture Officer ay ipinaabot ni Pangil Mayor Gerald Aritao ang pasasalamat kay TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

“Public Servant of the Year”

Tayo ay nagpapasalamat sa muli na namang pagkilala kay TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. bilang “Public Servant of the Year” ng Gawad Agila. Isa itong malaking karangalan at inspirasyon para lalo pa tayong magpatuloy sa ating pagganap ng tungkulin.

Para po sa ating lahat ang parangal na ito at ating Panginoong Diyos na may likha ng lahat.

Maraming salamat po sa inyong lahat!

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

Paete sa Laguna ang pinuntahan ng TGP Partylist upang mamahagi ng gardening tools at vegetable seeds

Ang bayan naman ng Paete sa Laguna ang pinuntahan ng TGP Partylist upang mamahagi ng gardening tools at vegetable seeds. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. sa Department of Agriculture (DA 4A) at sa National Movement of Young Legislators (NMYL – Laguna Chapter). Ang mga kagamitan ay tinanggap ng mga representatives mula sa mga napiling samahan ng magsasaka. Ang pamamahagi ay pinangunahan ng project proponent na si Paete Councilor Anna Patricia Adao kasama ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at dinaluhan din ni Paete Mayor Ronald Cosico na nagpahatid ng pasasalamat sa TGP Partylist.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderCongressmanBongTevesJr#CongBongTevesJr

“Gulayang Pambarangay” at “Gulayang Pampaaralan”

Muling ipinagpatuloy ng TGP Partylist ang pamamahagi ng gardening tools at vegetable seeds kaugnay ng mga proyekto nitong “Gulayang Pambarangay” at “Gulayang Pampaaralan”. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. sa Department of Agriculture (DA 4A) at sa National Movement of Young Legislators (NMYL – Laguna Chapter). Unang pinuntahan ang bayan ng Santa Maria, Laguna kung saan ay pawang mga paaralan ang naging recipients. Ang pamamahagi ay sinaksihan ng project proponent na si Santa Maria Councilor Wennie Jude Niipay, kasama sina Santa Maria Mayor Cindy Carolino at Municipal Agriculture Officer Carlo Sumaria.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

700K na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi na pinangasiwaan ng DSWD 4A

Sa patuloy na paghahatid ng tulong ay ang bayan naman ng Luisiana sa Laguna ang pinuntahan ng TGP Partylist kung saan ay nasa 700K na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi na pinangasiwaan ng DSWD 4A. Ito ay inisyatibo nina Vice-Mayor Luibic Jacob at Councilor Hans Christian Rondilla. Ang aktibidad ay dinaluhan ni Luisiana Mayor Jomapher Alvarez na labis ang naging pasasalamat higit kay TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr.

Kasama sa mga naging beneficiaries ay mga Brod at Sis mula sa Luisiana Triskelion Municipal Council,, sa ilalim ng liderato ni Chairman Justin Burgos at Laguna Gov.Gen. Ruslan Fonacier.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr

#CongBongTevesJr

TGP Partylist Crisis Assistance Program

Sa Quiapo, Manila naman ang naging venue ngayong araw (April 24, 2023) ng TGP Partylist Crisis Assistance Program sa pakikipag-ugnayan ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. sa DSWD-NCR. Nasa 800K na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi sa may 400 na beneficiaries, kabilang dito ay mga Brod at Sis. Ang inisyatibo ay hiniling ni TGP PL Sports Consultant Bong Alvarez kasama si Brgy. 393 Chairman Frederick Go.

Kasama sa mga nahatiran ng tulong ay ang mga naging biktima ng sunog sa Quiapo nung nakaraang Enero.

#TGPpartylist

Back-to-back implementation ng TUPAD Program

Sa isang araw na aktibidad nitong nkaraang linggo ay isinagawa ang back-to-back implementation ng TUPAD Program sa bayan ng Lumban, Laguna na hatid ng TGP Partylist sa pakikipag-ugnayan sa DOLE 4A. Ang mga beneficiaries sa inisyatibo ni Lumban Councilor Jeromme Lacbay ay sumailalim sa TUPAD Orientation, samantalang ginawa naman ang TUPAD Pay-Out para sa mga beneficiaries na inisyatibo ni Lumban Councilor Saan AƱonuevo De Mesa. Pinaunlakan tayo ni St. Cruz Vice-Mayor Laarni Malibiran, isa sa masugid nating tagapagtaguyod sa lalawigan ng Laguna, upang katawanin ang TGP Partylist sa aktibidad.

Sa kanyang ipinahatid na mensahe ay binigyang diin ni TGP PL Representative Cong. Jose “Bong” Teves Jr. ang patuloy nyang pangangalap ng mga karagdagang pondo upang mas marami pa ang mahatiran ng tulong pangkabuhayan.

#TGPpartylist