Multi- Purpose Building sa loob ng Central Bicol State University

Personal na dumalo si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa inaugaration and blessings ng bagong tayong Multi- Purpose Building sa loob ng Central Bicol State University of Agriculture. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng TGP Partylist. Ang nasabing gusali ay magsisilbi ring evacuation center sa panahon ng kalaminad. Nakasama Ni Cong Teves ang pangulo ng CBSUA na si Dr. Alberto Naperi at ang Regional Director Ng DA V na si Director Rodel Tornilla.Labis ang pasasalamat sa TGP Partylist ng nasabing unibersidad at ng mga residente sa ipinagkaloob na gusaling ito sa kanilang lugar.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves

#CongBongTevesJr

Multipurpose Covered Court na handog ng TGP Partylist sa Commonwealth, Quezon City

Mismong si Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ang nagpasinaya ng Multipurpose Covered Court na handog ng TGP Partylist sa Commonwealth, Quezon City na dinaluhan ng buong opisyales ng Barangay Commonwealth sa pangunguna ni Punong Barangay Manuel Co.

Nakiisa rin si City Councilor Candy Medina sa Ribbon Cutting na dumalo din sa aktibidad.

#TGPpartylist#DeputyMajorityLeaderBongTeves

#CongBongTevesJr

Dinalang muli ng TGP Partylist ang Crisis Assistance Program nito sa lungsod ng Pasig

Dinalang muli ng TGP Partylist ang Crisis Assistance Program nito sa lungsod ng Pasig sa ugnayan ng ating kinatawan na si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr., Councilor Angelu De Leon at Councilor Eric Gonzales. May 400 na beneficiaries ang nahatiran ng tulong pinansyal na pinangasiwaan ng DSWD-NCR. Lubos ang kanilang pasasalamat sa natanggap na anila’y malaking tulong sa gitna ng nagtataasang halaga ng mga pangangailangan.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#DeputyMajorityLeaderBongTevesJr

Mahalagang bahagi ng TGP Partylist Crisis Assistance Program

Mahalagang bahagi ng TGP Partylist Crisis Assistance Program ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro ng ating kapatirang Triskelion. Sa patuloy na pag-ikot ng TGP Partylist sa pangunguna ng ating representante na si Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. ay mga brod at sis naman sa bayan ng Tanza, Cavite ang ating pinuntahan. Naging mas makabuluhan ang aktibidad sa pagdalo nina FF Roy Ordinario at FF Talek Pablo.

Nagtungo ang TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa Santa Maria, Laguna

Nagtungo ang TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa Santa Maria, Laguna upang makiisa sa inorganisa ng Bureau Fire Protection (BFP) na 3×3 Basketball kasama si PBA Legend Paul “Bong” Alvarez o mas kilala sa tawag na “Mr. Excitement”.

Nagdala rin tayo ng 2 Laptop bilang pagtugon sa kahilingan ng BFP na magagamit nila sa kanilang headquarter upang mas mapaayos at makatulong sa kanilang pagresponde sa bawat emergency.

Ang pakikiisa sa event na ito ay malinaw na pagtalima rin ng TGP Partylist sa adbokasiyang Kalusugan at Kabataan.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

Pagpunta ng TGP Partylist sa San Pedro City Laguna

Sa pagpunta ng TGP Partylist sa San Pedro City Laguna ay kitang-kita pa din sa mga kabahayan at maging sa mismong dadaanan ang mga bakas at putik na dahil sa matinding baha dulot ng nagdaang Bagyong si Paeng.

Sa direktiba ng ating representante, Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. at TGP Partylist Board of Trustees sa pamumuno ni Chairman Norman Macapagal at President Atty. Jim Villanueva ay pinaghandaan natin ng 1,000 Relief Goods sa tulong ni B.O.T. Atty. Rommel Oliva at personal nating hinatid sa mga kapatid nating Triskelion at pamilya nila na syang lubhang apektado ng kalamidad.

Ang pamamahagi ay inorganisa ng San Pedro City Triskelion Council sa pamumuno ni Chairman Cons Magno, kasama sina CALABARZON GenSec Ronald Allan Mangao, Vice GenSec Caloy Ponce, at Laguna Provincial Council GovGen Ruslan Fonacier. Dumalo at tumulong din sa pamamahagi ng relief packs ang kapatid nating si Bro. Atty. Brod Melvin Matibag na lagi namang nakagabay din sa mga kapatid katuwang ang kanyang maybahay na si Congresswoman Anne Matibag.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#TGPpartylistCares#DeputyMajorityLeaderBongTeves

#TauGammaPhi

Nais Tiyakin ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr na maging maayos ang kalagayan

Bilang dating Vice Chairman ng Local Government Committee at Committee on Public Order and Safety Ex-officio Member sa Kongreso ay nais tiyakin ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr na maging maayos ang kalagayan at maging kagamitan ng ating mga kapulisan kaya naman personal niyang iniabot ang mga handog ng TGP Partylist para sa mga kapulisan ng Bohol sa pamumuno ni C.O.P. PLt. Col Reggie Real sa Tagbilaran, Bohol.

Ito ay sa pamamagitan din ng Triskelion Law Enforcers Group (TriLEG) Bohol na pinamumunuan ni Chairman Brod. PLt Nelson Lodripas.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

#DeputyMajorityLeaderBongTeves

Habang recess ang kongreso ay muling nag-umpisa sa pag-iikot ang TGP Partylist

Habang recess ang kongreso ay muling nag-umpisa sa pag-iikot ang TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. para makita ang kalagayan ng mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Pinangunahan ni TGP Partylist B.O.T. Brod. Atty. Rommel Oliva ang pamamahagi ng tulong para sa mga kapatid nating Triskelion kasama si GovGen Kid Sernat at Noveleta Chairman Paolo Diaz.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

350 beneficiaries naman sa Parañaque City ang nakatanggap ng financial assistance

Ngayong araw ay nasa 350 beneficiaries naman sa Parañaque City ang nakatanggap ng financial assistance sa ilalim ng TGP Partylist Crisis Assistance Program na itinataguyod ng ating masipag na kinatawan na si Deputy Majority Leader Bong Teves Jr.

Ito ay naisakatuparan sa kahilingan ni Parañaque City Councilor Brod Raffy “Apiong” Dela Peña. Ang pamamahagi ay pinamahalaan ng DSWD-NCR. Kasama din sa mga naging beneficiaries ay mga miyembro nating Triskelion.

Ang inyo pong kinatawan sa Kongreso ay patuloy na maghahanap ng mga karagdagang pondo upang makatulong ang TGP Partylist sa marami pa nating kababayan na nangangailangan.