Deputy Majority Leader and TGP Representative Bong Teves, Jr. is ready to attend today’s budget deliberation as he is the assigned floor leader for the Department of Environment and Natural Resources.
Hanggang sa natitirang huling dalawang araw ng itinakdang pagpasa ng budget sa mababang kapulungan ay sinikap nating dumalo upang tuparin ang ating tungkulin bilang Deputy Majority Leader. Kahapon, sa bisa ng isang sulat na pinadala ni President Marcos kay Speaker Romualdez, sinabing urgent at necessary ang pagpasa ng General Appropriations Bill o HB 4488 para matugunan agad ang mga pangangailangan ng ating bansa para sa kalamidad at COVID-19 pandemic.