Consultative Meeting ng Triskelion Western Visayas Regional Council

Naging matagumpay ang ginanap na Consultative Meeting ng Triskelion Western Visayas Regional Council kasama ang ating TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. Layunin ng makabuluhang okasyong ito na ginanap sa Iloilo City na maipaliwanag ang mga programa at proyekto ng TGP Partylist na maaaring makatulong sa mga brod at sis, gayundin ay upang personal na makadaupang palad ng ating kinatawan ang mga opisyales at miyembro ng nasabing konseho. Dumalo dito ang mga opisyales at representatives ng mga nakapaloob na Provincial Councils, Municipal Coucils, TAO at TRILEG na pinangunahan ni Western Visayas GenSec Kieffer Arguelles at ng host Provincial Council Govgen Christine Jean Yap.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MAINIT NA PAGTANGGAP!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *