Financial Assistance sa Santa Ana

Habang nasa lalawigan ng Cagayan ay pinuntahan na din ng TGP Partylist ang bayan ng Santa Ana upang daluhan ang pamamahagi ng financial assistance sa mga nangangailangan nating kababayan sa lugar. Ito ay bahagi pa rin ng inisyatibo ni Cagayan Board Member Atty. Romeo Garcia sa pakikipag-ugnayan nya kay Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr.

Sa isinagawang programa ay pinangunahan ni Santa Ana Municipal Mayor Nelson Robinion ang pasasalamat at pagpapahayag ng suporta sa TGP Partylist. Ang distribution ay pinangasiwaan ng DSWD FO2 SWAD Cagayan.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *