Ginawaran ng pagkilala ng DZRH Operation Tulong ang TGP Partylist

Ginawaran ng pagkilala ng DZRH Operation Tulong si TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. dahil sa patuloy na pakikiisa sa mga community service sa pamamagitan ng Dugong Alay, Dugtong Buhay, Feeding Mission at mga Relief Operations sa anumang kalamidad sa buong bansa.

Ang parangal ay iginawad kasabay ng 84th anniversary ng DZRH kung saan naging saksi sina Mr. Jomai Paroco Head VP for Sales Marketing, Anthony Taberna, Gerry Baja at ang Head of DZRH Operation Tulong na si Ma’am Mae Binauhan.

Kailan lang ay matatandaang muling nagkasama ang DZRH at ang TGP Partylist sa pagbibigay ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon at sa mga nasunugang pamilya sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *