Kauna-unahang Filipino UWW GRAPPLING WORLD CHAMPION bumisita sa TGP Partylist

Bumisita sa tanggapan ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. si Fierre Afan, siya ang Kauna-unahang Filipino UWW GRAPPLING WORLD CHAMPION sa kagaganap pa lamang sa Warsaw, Poland. Siya rin ang may record na First Filipino UWW GRAPPLING ASIAN Double GOLD Medalist Gi and No Gi Astana, (Kazahkstan 2023) at ang

First Filipino WORLD COMBAT GAMES Qualifier UWW Grappling (Uzbekistan 2023).

Isinama siya at ipinakilala ni Triskelion Brother, Founder ng URCC at kasalukuyang President ng Wrestling Association of the Philippines na si Brod. Alvin Aguilar.

Bilang representante ng Talino at Galing ng Pilipino at nagtataguyod sa paglilinang ng mga kakayanan ng mga Pilipino sa iba’t-ibang larangan o talento ay nagpasa si DML Cong. Bong Teves Jr. ng House Resolution (#1279) sa Kongreso na ang layunin ay ang pagkilala o pagbibigay parangal at pagbati kay Fierre Afan sa ipinakita nyang kahusayan dala ang watapat ng Pilipinas sa ibang bansa.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *